Showing posts with label War on Drugs. Show all posts
Showing posts with label War on Drugs. Show all posts

Sunday, July 14, 2019

Operatives arrest habal-habal driver for possession of illegal drugs


[Updated] A habal-habal driver was arrested in a successful buy-bust operation staged at around 11:00PM of July 13, 2019 in Crossing Cubay Norte, Malay, Aklan.

The suspect was identified as Christopher Benignos, 25 years old, single, a Habal-habal (single motorcycle) driver from Brgy Dumlog, Malay, Aklan.

The operatives were able to recover from the possession and control of Benignos a zip-locked plastic containing suspected marijuana leaves, seeds and stem; buy-bust money, cash and cell phone.

This is a joint operation of Malay MPS, Aklan PDEU, PIB Aklan-PPO, HPG-Aklan, and PDEA-6.

Suspect will be charged for violations of Section 5&11 of R.A.9165 “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. (PSMS Christopher Mendoza, PCR PNCO)/Malay PNP

Thursday, February 21, 2019

66% Filipinos say illegal drug users in their area decreased: SWS Survey

Energy FM photo
Result of Social Weather Station (SWS) Survey for Fourth Quarter 2018 shows that 66 percent of Filipinos said that the number of illegal drug users in their area has decreased.

By area, the proportion of people who said that there are less drug addicts in their area compared to last year was highest in Mindanao at 83 percent, compared to the 6% who said that the number increased, and 4 percent who said it remained the same.

In Visayas, 71 percent said it decreased, 11 percent said it increased, and 6 percent said it remained the same. In Metro Manila, 67 percent said it decreased, 22 percent said it increased, and 8 percent said it remained the same.

Finally, in Luzon, 54 percent said it decreased, 18 percent said it increased, and 8 percent said it remained the same./ Aklan PNP PIO

Sunday, January 20, 2019

3 arestado sa pagtutulak umano ng droga sa Kalibo Ati-atihan festival


ARESTADO ANG dalawang drug surenderee at isa pa sa ikinasang buy bust operation sa kaarawan ng kapyestahan ng Kalibo Ati-atihan Festival.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Adrias alyas "Pads", 32-anyos, isang tatoo artist, residente ng Roxas City, Capiz; Jamaica Cill, 19, residente ng Panay, Capiz; at Angelica Aranza, 26, residente ng Roxas City, Capiz.

Nasabat sa kanila ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php5,000 buy bust money.

Batay sa ulat ng kapulisan, sina Adrias at Aranza ay mga drug surenderee sa Roxas Capiz. Kinumpirma naman ito Adrias subalit tumangging magbigay iba pang pahayag sa panayam ng Energy FM Kalibo.

Inaresto ang tatlo sa kanto ng Acevedo St. at Regalado St. sa Poblacion, Kalibo madaling araw ng Linggo.

Ang operasyon ay ikinasa ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency at ng Kalibo PNP.

Pansamantalang ikinulong ang tatlo sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampaham ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.##

Wednesday, January 16, 2019

13 sachet ng pinaghihinalaang shabu nasabat sa isang lalaki sa Kalibo.

INARESTO NG mga kapulisan ang isang lalaking sa buy bust operation sa  sa Brgy. Estancia, Kalibo gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Hilario y Valencia, 32-anyos, residente ng Brgy. Ambulong, Batan.

Nasabat sa kanya ang 13 sachet ng pinanininiwalaang shabu at Php1,000 buy bust money.

Mariin namang itinatanggi ng suspek sa live interview ng Energy FM Kalibo na siya ay sangkot sa iligal na droga.

Kinumpiska rin ng kapulisan ang kanyang motorsiklo, at ang kanyang cellphone.

Nabatid ayon sa kapulisan ng Kalibo, una nang naaresto si Hilario dahil sa kasong pagnanakaw ng manok.

Ikinasa ng Kalibo PNP, mga tauhan ng Aklan Police Provincial Office at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasabing operasyon.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Sunday, December 30, 2018

Tindero ng manok arestado sa Kalibo sa pagtutulak umano ng droga


INARESTO NG kapulisan ang isang tindero ng manok gabi ng Sabado sa Brgy. Pook, Kalibo matapos mabilhan umano ng droga.

Kinilala ang suspek na si Jerry Sim y Rubico alyas "Jerry", 52-anyos, may asawa, at isang drug surrenderee.

 Nasabat sa kanya sa ikinasang buy bust operation ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu at Php3,000 buy bust money.

Pansamantalang ikinulong sa Kalibo PNP Station ang suspek.

Isasailalim rin siya sa mandatory drug testing at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ikinasa ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency, Provincial Intelligence Branch, Kalibo PNP, at Provincial Highway Patrol Group.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, December 12, 2018

Lalaki at menor de edad na live-in partner huli sa pagtutulak ng marijuana

INARESTO NG kapulisan ang isang lalaki at ang menor de edad na live-in partner sa bayan ng Numancia dahil sa pagtutulak ng paniniwalaang marijuana.

Kinilala ang mga suspek na si Rolando Egaña y Jesalva, 20-anyos at ang 17-anyos na live-in partner, pawang mga residente ng Brgy. Navitas sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng kapulisan, si Rolando ay nabilhan ng operatiba ng isang sachet ng pinaniniwalaang marijuana kapalit ng Php1000 marked money.

Nasabat din sa pagrikisa sa lalaki ang isa pang sachet ng umano'y marijuana.

Nabatid na parehong newly identified lang ng kapulisan ang maglive-in.

Pansamantalang ikinulong ang dalawa sa Numancia Municipal Police Station.

Isasailalim sa mandatory drug test ang dalawa at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Numancia PNP at ng Provincial Drug Enforcement Unit ang operasyon gabi ng Martes sa Brgy. Albasan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Thursday, November 01, 2018

TATLO ARESTADO MATAPOS MAHULING HUMIHITHIT NG MARIJUANA SA KALIBO

ARESTADO ANG tatlong lalaking ito makaraang maaktuhan ng mga otoridad na humihithit ng marijuana madaling araw ng Huwebes sa Brgy. Pook, Kalibo.

Kinilala sa report ng kapulisan ang tatlo na sina Joemarie Perez, 32-anyos, tubong Iloilo, residente ng Brgy. Poblacion, Kalibo; Kevin Panagsagan, nasa legal na edad, residente Cubay Sur, Malay at; Kevin Bello, 39, tubong Iloilo, residente ng Brgy. Andago, Kalibo.

Nabatid na unang napansin ni Kagawad Lud Pinos ang mga nasabing grupo na humihihithit habang naglalakad. Agad niyang itong inireport sa Kalibo PNP at naaresto ang tatlo na mga miyembro umano ng isang music band.

Kabilang sa mga nasabat sa tatlo ang isang improvised na pipe na may residue pa ng pinaniniwalaang marijuana at isang plastic sachet na may lamang marijuana.

Nakakulong na ngayon ang tatlo sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo

Wednesday, October 10, 2018

LIBERTAD FIRST DRUG-CLEARED MUNICIPALITY IN ANTIQUE

THE PHILIPPINE Drug Enforcement Agency Regional Office 6 (PDEA RO6) and Police Regional Office 6 (PRO6) recognized Libertad as the first drug-free municipality in the Province of Antique, which was greatly appreciated by its local officials, employees and residents.

On October 8, 2018, during the traditional Monday flag raising ceremony of Antique Police Provincial Office (ANPPO), Libertad Mayor Mary Jean N. Te received certificate of recognition from ANPPO Director, Police Senior Superintendent Leo Irwin P. Agpangan for being the first drug-cleared municipality in the province, which was certified by the Regional Oversight Committee on Drug-Clearing Operation headed by Dir. Wardley M. Getalla, Former Director, PDEA RO 6 after all its 19 barangays had complied with the parameters as set forth in section 8, Dangerous Board Regulation No. 3 series of 2017.

The committee composed of regional directors of PDEA, Philippine National Police, Department of Interior and Local Government and Department of Health conformed after due deliberation that Libertad has proven that all its barangays were drug-free, all drug surenderers undergone Community Based Drug Rehabilitation Program, and proactive programs and strategies have been enforced by its local officials to prevent illegal drug re-entry and raising awareness in every sectors through anti-drug awareness programs.

Mayor Te thanked her local PNP headed by Police Senior Inspector Bryan I. Alamo, barangay officials, members of Barangay Anti-Drug Abuse Council and other stakeholders for their support in their fight against illegal drugs. She acknowledged their vital role in the municipality’s most valuable accomplishment.

“It is a great honor to be declared as the first drug-cleared town in the province. Let me share to you the secret why we achieve this. It was done with a great partnership and collaboration with our local PNP and other stakeholders. It was done with unity among all members of the community.” Mayor Te said to the PNP officials and members of ANPPO.

Meanwhile, Alamo considered the recognition as a big challenge to the local PNP under his leadership, he said “Libertad being declared a drug-cleared municipality is not just an accomplishment but it is also a responsibility, a big tasked and a challenge for us to maintain its present status. We will continue our effort to fulfill the mandate of our present administration and that is to free our community from illegal drugs for everyone to enjoy a peaceful and progressive community.”

Mayor Te upon conferment of her Sangguniang Bayan Members will schedule a ceremonial program for the formal turn-over of drug-cleared certificates to all its barangays.##

Libertad PIO

Friday, October 05, 2018

BABAE HULI SA DRUG BUYBUST OPERATION SA BRGY. ESTANCIA!

Timbog sa drug buybust operation ang babaeng ito sa brgy Estancia Kalibo.

Kinilala ang suspek sa pangalang Niña Hannah Guinez Y Maypa.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P5,000.00 na buybust money.

-Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo


Tuesday, September 25, 2018

TULAK NG DROGA KALABOSO SA BUY BUST OPERATION SA NUMANCIA

BILANGGUAN ANG bagsak ng lalaking ito makaraang mahulihan ng droga sa isang buy bust operation hapon ng Martes sa Brgy. Dongon East, Numancia.

Kinilala ang suspek na si James Cipriano, 24-anyos, karpentero, tubong Quezon City at residente ng Brgy. Andagao, Kalibo.

Nasabat sa kanya ang dalawang sachet na pinaghihinalaang shabu pati na ang Php4,000 na ginamit sa buy bust operation. Kinumpiska ng kapulisan ang cellphone at pera.

Itinaggi naman ng suspek ang pagkakasangkot sa iligal na droga. Bagaman gumagamit umano siya noon, matagal na niya itong tinigilan.

Ayon kay PCInsp. Frenzy Andrade, hepe ng Provincial Drug Enforcement Agency, tatlong buwan na nilang minamanmanan ang suspek hanggang sa matimbog nila.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturanf lalaki.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Thursday, September 20, 2018

15 BARANGAYS IN BURUANGA DECLARED AS “DRUG-CLEARED BARANGAYS”

The Municipality of Buruanga was the first LGU declared by the Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Operation as “Drug-Cleared” in the entire Province of Aklan.

Out of 15 Barangays, 7 are Unaffected Barangays composed: Bagongbayan, Bel-is, Cabugan, El Progreso, Habana, Panilongan and Tag-osip as Drug Unaffected Barangays and 8 Affected Barangays composed: Alegria, Balusbos, Katipunan, Mayapay, Poblacion, Nazareth, Santander and Tigum as Drug-Cleared Barangays after the deliberation of Regional Oversight Committee in Iloilo last April 19, 2018.

Hon. Concepcion P. Labindao, Municipal Mayor, Buruanga, Aklan released copies of the certification last September 17, 2018 to all Barangay Captains showing that each barangay in the Municipality of Buruanga has complied with the parameters on drug-cleared barangays provided in Section 8 of the Dangerous Drugs Board Regulation No. 3, Series of 2017, otherwise known as “Strengthening the Implementation of the Barangay Drug-Clearing Program”.

The certifications, issued by the Region 6 (Western Visayas) Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Operation, were officially released by the PDEA Region 6 to the municipal government on April 19, 2018.

In a statement, PSI WILLIAN N AGUIRRE, Chief of Police of Buruanga MPS said, that he is glad that municipality’s efforts to curb the proliferation of illegal drugs, with the help of the MADAC, BADAC and Buruanganon in coordination with PDEA, have paid off. Bannering the Station’s initiative dubbed: BAKLAD (Buruanganon At Katokhang Laban at Ayaw sa Droga). Buruanga MPS together with MLGOO, MSWDO, MHO were able to facilitate an effective and efficient Community Based Rehabilitation Program.

“Yet, I encourage all local community to be watchful in safeguarding our barangay in order to maintain the present status”, PSI Aguirre quoted.

A barangay is declared drug-cleared based on the following parameters: non-availability of drug supply; absence of drug transit/transshipment activity; absence of clandestine drug laboratory; absence of clandestine drug warehouse; absence of clandestine chemical warehouse; absence of marijuana cultivation site; absence of drug den, dive, or resort; absence of drug pusher; absence of drug user/dependent; and absence of protector/coddler and financier; active involvement of barangay officials in anti-drug activities; active involvement of Sangguniang Kabataan to help maintain drug-liberated status of the barangay; existence of drug awareness, preventive education and information and other related programs; and existence of voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desk.

SPO3 Crisjofel P Albacite
PCR PNCO

Tuesday, July 24, 2018

TATLONG CHIEF OF POLICE SA AKLAN NIRELIEVED SA PWESTO DAHIL WALANG ACCOMPLISHMENT SA ILLEGAL NA DROGA

Tatlong police chiefs sa Aklan ang tinanggal sa ka kanilang pwesto epektibo kahapon dahil walang accomplishments na maipakita sa kanilang kampanya kontra iligal na droga simula Hunyo 1 hanggang 30.

Ang mga ito ay sina: 1) PCInsp. Rogelio Tumagtang Jr. (Altavas); 2) SInsp. Eleazar Climacosa (Balete); at 3) SInsp. Alfonso Manoba (Malinao).

Nabatid na sa buong rehiyon ay 23 lahat na mga police chiefs ang tinanggal sa pwesto. Ang Regional Senior Officers Placement and Promotion Board ang nagreview sa performance ng mga hepe.

Friday, July 20, 2018

BARANGAY KAGAWAD SA CATICLAN MALAY ARESTADO SA BUYBUST OPERATION!

Arestado ang isang barangay kagawad na ito sa ikinasang drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at  Provincial Drug Enforcement Unit.

Kinilala ang suspek sa pangalang Cielo Tolosa, 35-anyos, kagawad ng Caticlan, Malay, Aklan.

Nakuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu  ang suspek sa pamamagitan ng buybust operation kapalit ng Php500.00.

Isa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu ang nakuha umano sa body search.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot niya sa iliga na droga./ Archie Hilario, EFM Kalibo

Tuesday, July 10, 2018

SUSPEK SA BUY BUST OPERATION SA BANGA SINAMPAHAN NA NG KASO

(update) Sinampahan na ng kaso si Jeffrey Iglesias na nahuli ng mga kapulisan sa buy bust operation sa Brgy. Tabayon, Banga araw ng Sabado.

Matatandaan na nakuha umano ng mga kapulisan ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu. Pero sa pagrekesa sa suspek ay walang narekober na buy bust money.

Ayon kay PCInsp Frenzy Andrade, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit na silang nagkasa ng operasyon, ang narekober nilang iligal na droga ay kapalit sana ng Php4,000.

Hindi umano ito tinanggap ng suspek matapos matunugan na pulis ang kanyang nakatransaksyon. Nagtangka pa nga umano itong tumakas sa operatiba.

Ani Andrade, araw ng Lunes ay sinampahan na ng kasong paglabag sa section 5, Article II of Republic Act 9165 si Iglesias.

Paliwanag niya, kahit hindi narekober ang buy bust money, sinampahan parin siya ng kaso dahil may naganap umanong delivery ng droga.

Nakatakdang dalhin sa Bureau of Jail Management and Penology sa Kalibo ang nasabing suspek para sa kaukulang disposisyon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Monday, June 11, 2018

65-ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG MAKATO ARESTADO SA PAGTUTULAK NG ILIGAL NA DROGA

Huli ang 65-anyos na lalaki na ito na nakilalang si Genaro Torno sa isang buy bust operation umaga ng Lunes sa Brgy. Calangcang, Makato.

Nakuha umano sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php1000 buy bust money. Mariin naman itong itinatanggi ng suspek.

Sa pagrekesa sa kanya, dalawa pang sachet ng kaparehong sangkap ang nasabat ng mga kapulisan.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot niya sa droga at ang mga nasabat mula sa kanya ay “itinanim” lamang umano ng operatiba.

Ikinasa ng Makato PNP station ang nasabing operasyon kasama ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit.

Nakakulong na sa Makato PNP station ang nasabing suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso./ EFM Kalibo

Thursday, May 24, 2018

TULAK NG DROGA SA BORACAY, ARESTADO SA MAINLAND MALAY

photo (c) PDEU
Arestado ang lalaking ito kagabi sa bayan ng Malay matapos maaktuhan na nagtutulak ng iligal na droga.

Kinilala ng mga kapulisan ang suspek na si Antonio Oczon Jr. alyas "Jojo", 41-anyos, residente ng Cubay Sur, Malay.

Nasabat mula sa suspek sa buybust operation ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php2,000 buybust money.

Tatlo pang sachet ng parehong sangkap ang narekober mula sa suspek sa isinagawang body search.

Ayon kay PCInsp. Frensy Andrade, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit, kumukuha umano ito ng suplay sa Isla ng Boracay.

Bago anya magsara ang Isla ay sa Boracay ito nagbebenta lalu na sa mga turista dito.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Malay municipal police station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Thursday, May 10, 2018

NASA 200 SANGKOT SA ILIGAL NA DROGA POSIBLENG MAKALAYA SA AKLAN

photo (c) RHU Lezo
Nangangamba ngayon ang mga law enforcer sa Aklan sa posibleng paglaya ng nasa 200 mga preso na sangkot sa iligal na droga.

Ayon ito kay provincial prosecutor Chris Gonzales ng Department of Justice kasunod ng pag-adopt ng plea bargaining framework cases ng Korte Suprema.

Sinabi ni Gonzales na kung noon ay panghabambuhay na pagkakulong ang kahaharapin ng mga nahuling nagtutulak ng droga, hindi na umano ito ganito ngayon.

Anim na buwan hanggang apat na taon nalang ang pagkakulong nila. Ito ay para bigyan umano ng pagkakataong magbago ang mga "small-time" user at pusher.

Ito ay kapag ang nakuha sa kanila sa pagtutulak ng droga ay hindi umabot ng isang gramong "shabu" o 10 gramo ng marijuana.

At kapag ang nakuha sa kanilang posesyon na shabu ay hindi umabot ng limang gramo o 300 gramo ng marijuana.

Ayon sa prosecutor isasailalim rin nila sa community rehabilitation ang mga makakalaya sa kanilang kaso. Nakadepende pa sa korte kung tatanggapin nila yung plea bargaining.

Pinasiguro naman niya sa taumbayan na hindi titigil ang mga law enforcer sa pagsawata ng iligal na droga sa probinsiya./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Monday, March 26, 2018

KAMBAL ARESTADO SA PAGTUTULAK NG ILIGAL NA DROGA SA BORACAY

Arestado ang kambal sa Isla ng Boracay sa Sitio Ambulong, Brgy. Manocmanoc kagabi sa pagtutulak ng droga.

Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency ang buybust operation kontra sa dalawa.

Kinilala ang mga ito na sina Eric at Jerry Sual y Fernando, 26-anyos, tag-Toledo, Nabas.

Nakuha sa operasyon ang limang sachet na may laman ng pinaghihinalaang shabu.

Nakuha rin ang isang cellphone at Php3,500 buy bust money.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang dalawa.

Tuesday, March 13, 2018

HELPER SA KARENDERYA ARESTADO SA DRUG BUY BUST OPERATION.

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation sa C. Laserna St., Kalibo, Aklan alas-10:00 pasado ng umaga kanina.

Kinilala ang suspek sa pangalang RAFFY FRANCISCO y DAVID ALYAS "INTSIK" , 36 ANYOS na taga Cabugao Batan, Aklan at kasaluyang naninirahan sa Pob. Kalibo.

Itinanggi naman ng suspek na gumagamit ito at nagbebenta ng illegal na droga.

Tuesday, October 10, 2017

LIMANG BAYAN SA AKLAN NAGKAISA PARA SA INTER-LOCAL COMMUNITY-BASED REHABILITATION PROGRAM

Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagkakaisa ngayon ang limang bayan sa Aklan para sa kauna-unahang inter-local community-based rehabilitation program para sa mga drug surenderee.

Ang rehabilitation program na ito ay pinangungunahan ng Southwestern Aklan Inter-Local Health Zone (SAILHZ) na binubuo ng mga bayan ng Lezo, Makato, Numancia, Madalag at Malinao.

Nilunsad ang nasabing programa ngayong araw (Oct. 10) sa Sports Complex ng Lezo na may temang "Komyunidad magbueoligan, illegal nga droga iwasan, para sa kamaeayran it tanan".

Ayon kay Dr. Athena Magdamit, municipal health officer ng Lezo, layunin ng inter-local health zone na ito ang matulungan ang bawat-isa para sa matagumpay na rehabilitation program.

Dinaluhan ang aktibidad na ito ng mga alkalde at iba pang mga opisyal ng mga nasabing bayan, mga municipal health officer, mga kapulisan at ang kanilang mga hepe, at iba pang ahensiya ng gobyerno.  

Dinaluhan rin ito ng 82 mga person who used drugs (PWUD) mula sa limang munisipalidad na may mga moderate na kaso. Naroon din ang mga pastor o mga ministro ng mga relihiyon na bahagi ng community rehabilitation program.

Kabilang sa mga naging pangunahing tagapagsalita sa nasabing aktibidad si PSupt Gilbert Gorero, tagapagsalita ng Police Regional Office 6.

Ang  SAILHZ ay pinangungunahan ni Madalag mayor Alfonso Manoba bilang chairman; si Dr. Magdamit naman ang chair ng working technical group.