REDEDICATION RITES was held by representatives of the National Historical Commission of the Philippines, Parish of Malinao headed by Fr. Hermino 'Junjun' Felipe and the Local Government of Malinao led by Mayor Ariel Igoy to signal the official reopening to the public of the St. Joseph the Worker Parish Church in Malinao today, December 15, 2018.
The reopening of the restored Akeanon heritage church is one of highlights of this year's Pascua sa Malinao Festival which is already on its 7th year. This church was the place where the centuries old Christmas tradition of 'misa de pastorelle' is held featuring the flight of the cometa (comet) and the two giant bitoon sa eangit (heavenly stars) as well as the opening of the iconic granada amid the angelic voices of the pastora, a tradition that inspired the festival.
Inaugurated in the year 1889, the St. Joseph the Worker Church in Malinao, Aklan has undergone restoration under the auspices of the National Historical Commission of the Philippines (NHCP). The restoration project cost is at Php 18 million.##
photo credits: Raymon Inolino Ileto
- report and text from Ro Akeanon FB
Showing posts with label catholic church. Show all posts
Showing posts with label catholic church. Show all posts
Saturday, December 15, 2018
Tuesday, April 25, 2017
‘HUWAG MAGNAKAW NG BUHAY’ PANAWAGAN NG DIOCESE OF KALIBO
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Fr. Ulysses Dalida
ng action center ng Diocese of Kalibo na tanging ang Diyos lamang ang may
karapatang kumitil ng buhay.
Ayon kay Dalida, ang streamer ay ipinaskil nila noon pang
Huwebes Santo kasabay ng iba pang mga diocese sa buong bansa.
Bagaman walang anumang tinutukoy na dahilan, ang panawagan
anya ay kaugnay
sa mga isyu ng aborsyon, extra-judicial killing, mercy killing,
death penalty at anumang uri ng pagkitil ng buhay sa iba-ibang kadahilanan.
Maliban anya rito, patuloy na tinuturo ng Simbahan sa mga
misa at sa iba pang pagkakataon na ang buhay ay sagrado.
Paliwanag pa ng pari, nagsimula ang mensaheng ito sa
panawagan lamang na “huwag magnakaw” dahil sa umiiral kurapsyon kapwa sa pamahalaan
at iba pang institusyon.
Thursday, April 13, 2017
MGA PARTY, MALALAKAS NA TUGTOG IPAGBABAWAL SA BORACAY SA BYERNES SANTO
Ipagbabawal sa Isla ng Boracay ang mga kasiyahan at mga
malalakas na tugtog sa darating na Byernes Santo.
Sinabi ni Felix delos Santos, chief tourism operations
officer ng Boracay, ito ay para tahimik na gunitain ng mga mananampalatayang
Katoliko ang sakripisyo ng Panginoong Jesucrsito.
Ayon kay delos Santos, ang ban ay magsisimula sa Byernes Santo, alas-6:00 ng
umaga at magtatapos alas-6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria.
Nakasaad sa panuntunan ng municipal resolution no. 015 ay
pagbabawal ng pagbibigay ng mga permit sa pagsasagawa ng mga kasiyahan o party sa Boracay sa Byernes Santo.
Nabatid na ang panuntunang ito ay ipinapatupad bawat taon
simula nang ito ay maipasa noong 2009.
Bagaman walang itinakdang parusa, sinabi ng opisyal na ang
mga kapulisan ay magpapatrolya parin sa isla upang masiguro na ang resolusyon
ay sinusunod.
Nilinaw naman niya na ang mga bars at restaurant sa isla ay
hindi binabawalang mag-operate maliban lamang sa pagpapatugtog ng mga maiingay
na musika. (PNA)
Subscribe to:
Posts (Atom)





