ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Aprubado na sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang hirit ng mga
tricycle operators and drivers association na magtaas sa kanilang pamasahe.
Sa ginawang regular session, inamyendahan ng Sanggunian ang
municipal ordinance no. 2016-32, “Ordinance Fixing New Tricyle Fare Rates
within the Municipality of Kalibo, Aklan”.
Nakasaad sa amended version ng ordinance ang pisong pagtaas
ng pamasahe sa lahat ng mga bumibiyahe at lehitimong tricyle sa Kalibo. May
Php0.50 ring pagtaas
sa pamasahe ng mga estudyante, senior citizens, at
differently abled persons.
Kasama rin sa pag-amyenda ang kahilingan ng mga opisyal at
tricycle operators and drivers association ng Nalook sa sarili nilang
taas-pamasahe.
Samantala, hindi muna maglalabas ng opisyal na kopya ng
taripa ang lokal na pamahalaan. Hihintayin muna kasi ang kanya-kanyang petisyon
ng iba pang barangay at TODA tungkol sa sariling taas-pamasahe.
Ang sarili nilang mga petisyon ay dahil sa pagbabago umano
sa layo ng kalsada at ruta ng biyahe na hindi saklaw sa aprubadong ordenansa.
Una nang napagkasunduan sa public hearing noong Lunes ang
pisong pagtaas sa regular na pamasahe.
No comments:
Post a Comment