ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Ginawaran ng pagkilala ang lokal na pamahalaan ng Kalibo
bilang rank no. 2 sa implementasyon ng enhanced program to institutionalize
meritocracy and excellence in human resource management (PRIME-HRM).
Pormal na tinanggap ni Kalibo mayor William Lachica at HRM
officer V Eleanor Isada ang nasabing pagkilala sa Iloilo City mula sa Civil
Service Commission region 6.
Sinabi ni Isada, na kinilala rin ng Civil Service ang
learning and recognition program at awards and recognition program ng munisipyo
kagaya ng search for 10 outstanding employees at salamat mabuhay program para
sa mga ritirees.
Sinabi pa ng HRM officer na nakamit nila ang nasabing mga
pagkilala dahil sa pagsisikap ng mga opisyal ng bayan at mga department head ng
munisipyo.
Napag-alaman na maliban sa Kalibo, nagkamit rin ng parehong
pagkilala ang munisipyo ng Malay.
Samantala, level 2 rin ang lokal na pamahalaan ng Aklan sa
parehong implementasyon.
No comments:
Post a Comment