Isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang
pagsasapribado ng dumping site sa Bakhaw Norte.
Kaugnay rito, humarap na sa Sangguniang Bayan ang
PHILKAIROS, isang pribadong kompanya upang ilahad ang kanilang plano sa
posibiling pangangalaga sa naturang dumping site.
Una rito, sa isinagawang solid waste management board
meeting inilatag ng consultant ng munisipyo ang plano na patagin ang nasabing
tambakan ng basura.
Inirekominda ni Baltazar Gerardo sa alkalde ang pagbili ng
bulldozer para iusog ang mga basura sa lugar.
Anya, kapag naging patag na o ma-level off na ang lugar,
tatabunan ito ng soil covering material para maalis ang baho saka ito
ii-spreyan ng lysol.
No comments:
Post a Comment