ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Kinokondena rin ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang
walang-awang pagpatay sa Aklanong doktor sa Lanao del Norte sa pamamagitan ng
pagpasa ng isang resolusyon.
Hiniling sa resolusyong ito sa mga awtoridad sa nasabing
lugar na agarang mabigyan ng hustiya ang pagpaslang kay dr. Dryfuss Perlas.
Ang 31-anyos na doktor ay binaril at pinatay sa Kapatagan,
Lanao del Norte Miyerkules ng gabi habang sakay sa kanyang motorsiklo pauwi
galing sa medical mission.
Ang Aklanong doktor ay huling naglingkod bilang municipal
health officer at doctor to the barrios ng Sapad, Lanao Del Norte kung saan
minahal siya ng taumbayan at maging ng mga opisyal.
Maliban rito, nagpasa rin ng resolusyon ang Sanggunian na
nagbibigay-pagkilala sa hindi matatawarang paglilingkod sa bayan ni doctor
Perlas at resolusyon na nagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.
Si Dreyfuss ay tubong Poblacion, Batan, Aklan at anak ng
mag-asawang Dennis Perlas, Sangguniang Bayan member ng Batan at gurong si
Leovilgilda Perlas.
No comments:
Post a Comment