Patuloy na tinutugis ng mga kapulisan sa isla ng Boracay ang
suspek sa nangyaring road rage shooting sa Quezon City na si Fredison Atienza.
Sa isang panayam, sinabi ni PSInsp. Jose Mark Anthony
Gesulga, deputy chief ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), patuloy ang
ginagawang paghahanap ng mga intelligence personnel sa kinaroonan ng suspek na
kilala rin sa alyas na Sonson.
Si Atienza ay kinikilalang pangunahing suspek sa pagpatay
kay Anthony Mendoza na di umanoy nakaalitan niya sa kalsada noong Pebrero 25.
Sinabi pa ni Gesulga na nakipag-ugnayan na sa kanila ang Quezon
City Police District (QCPD) matapos mapag-alamang nasa Boracay ang suspek
kasunod ng nangyaring pagpaslang.
Ginagalugad umano ng kapulisan ang iba-ibang mga hotel at
establisyemento sa nasabing isla. Nakipag-ugnayan narin umano sila sa mga
tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dito sa probinsya.
No comments:
Post a Comment