ulat ni Joefel Magpusao / Darwin Tapayan, Energy FM 107.7
Kalibo
Binawian ng buhay habang ginagamot sa surgical intensive
care unit ng provincial hospital ang isang 71 anyos na babae makaraang mabundol
ng motorsiklo sa brgy. Pook, Kalibo kagabi.
Kinilala ang biktima na si Felina dela Cruz, residente ng
nasabing lugar. Nakilala naman ang driver na si Jimwel Roberto, 32 ng brgy.
Sugnod, Malinao.
Sa report ng pulisya, patungong Mabilo, New Washington ang
tricycle nang biglang tumawid sa kalsada ang matanda dahilan para mabangga ito.
Tinulungan naman ng driver ang biktima at dinala sa Dr.
Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital at agad na sumuko sa mga kapulisan.
Nakakulong ngayon ang driver sa lock-up cell ng Kalibo
municipal police station habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
No comments:
Post a Comment