ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Kinuyog ng mga tao ang isang 31 anyos na lalaki makaraang
bumunot ng baril sa isang lamay sa Poblacion, Libacao Linggo pasado alas-10 ng
gabi.
Nagtamo ng head injury at kasakitan sa iba pang bahagi ng
katawan ang suspek na kinilalang si John Rey Colas, laborer at residente ng
brgy. Dalagsaan, Libacao.
Ayon sa report ng Libacao municipal police station, dumalaw
umano ang lasing na suspek sa isang burol sa bahay ng pamilya Bardizo sa brgy.
Poblacion.
Nasangkot siya sa mainitang pagtatalo sa son in law ng
maybahay at habang nasa kainitan ng pagtatalo ay bumunot ito ng baril sa
kanyang baywang.
Agad namang naagaw ng mga tao roon ang baril at nagpagulong-gulong
sa lupa.
Naka-hospital arrest ang lalaki habang nahaharap sa kasong
paglabag sa republic act 10591 o illegal possession of firearm.
No comments:
Post a Comment