ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ang
pagdedeklara sa probinsiya ng Aklan bilang ‘retirement friendly area’.
Ayon kay SP Noli Sodusta, ang resolusyong ito ay maghihikayat
sa Philippine Retirement Authority (PRA) na bisitahin ang probinsiya at para sa
mga posibleng proyekto kasama ang lokal na pamahalaan.
Nakikita rin ni Sodusta na maliban sa magiging daan ito sa
paglago ng turismo sa probinsiya, isa rin umano itong paraan para makahikayat
pa ng mas maraming imbestor.
Sang-ayon naman dito si SP Jay Tejada kung saan isa umano
itong magandang strategic plan.
Ang nasabing panukala ay inerefer sa committee on tourism.
No comments:
Post a Comment