ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 35 anyos na
lalaki makaraang sumalpok ang menamanehong motorsiklo sa patrol car ng Altavas
municipal police station Lunes dakong alas-8:00 ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Ernesto Marcelino, residente ng
brgy. Dalipdip, Altavas.
Ayon sa report ng pulisya, menamaneho ni PO3 Toni Dey Lauz
ang nasabing patrol car kasama si PO2 Reane Balgos at ang complainant patungong
brgy. Dalipdip para rumesponde.
Nang-agaw umano ang motorsiklo ng linya. Dagdag pa rito,
wala itong headlight dahilan para sumalpok ito sa gilid ng nang patrol car.
Agad na isinugod sa Altavas district hospital ang lalaki
pero dineklara itong dead on arrival ng attending physician.
No comments:
Post a Comment