Daan-daang mga Aklanon na wala pang birth certificate ang
natulungan ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa iba-ibang civil registry
offices sa Aklan sa pamamagitan ng libreng mobile registration program na
isinagawa sa buwan ng Pebrero.
Nasa 400 katao na karamihan ay mga estudyante ang
nakabenipisyo ng libreng registration na umikot sa mga kabarangayan ng Ibajay,
Malay, at Nabas.
Ayon kay provincial statistic officer Antonet Catubuan, ang
libreng pagpaparehistro ay naglalayong matulungan ang mga walang birth
certificate na ma-irekord ang impormasyon ng kanilang kapanganakan sa mga lugar
kung saan sila ipinanganak.
Sinabi pa ni Catubuan na ito ay tugon sa tumataas na pangangailangan
ng birth certificate sa lahat ng transaksyon kabilang na sa pag-eskwela, sports
competition, pagtrabaho, pasaporte, o sa pagtanggap ng mga benipisyo.
Paliwanag ng statistic officer na karamihan sa mga hindi
narehistrong mga bata ay galing sa mga mahihirap na pamilya na ang mga magulang
ay walang kakayahan sa pagbayad sa delayed registration.
No comments:
Post a Comment