ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Kumpirmadong nasa baybayin ngayon ng probinsiya ng Aklan ang
isa pang barko ng STL Panay Resources Co. Ltd.
Sa sulat na nakarating kay gobernador Florencio Miraflores,
sinabi ni STL Panay managing partner Patrick Lim, na ang barko ay darating sa
Pebrero 28 dakong alas-3:00 ng hapon.
Nakasaad sa sulat na may petsang Pebrero 27, ang barkong
SLD1 na una nang sinabing darating noong Pebrero 18 ay lumihis patungong Iloilo
para mag-refuel at para kumuha ng mga kaukulang mga permit at clearance.
Sinabi rin sa sulat na ang barko ay gagamitin para maalis
ang suction tube mula sa Zhong Hai 18 na nasira at lumubog sa sa bukana ng
Aklan river.
Dagdag pa, ang operasyon ay magtatagal umano ng dalawa
hanggang tatlong araw bago ito aalis ng Kalibo. Pagkatapos nito ay didiretso
umano ang barko sa Dumaguit port para sa spare parts supply at installation ng
pipeline.
Pinasiguro naman ni Lim sa kanyang sulat na dokumentado ang
gagawin nilang operasyon at tutupad sa mga itinakdang kasunduan ng binuong
multi-partite monitoring team.
No comments:
Post a Comment