PDuda ang pamilya ng pinaslang na “people’s doctor” na si
Dreyfuss Perlas sa pagkakasangkot dito ng di umano’y suspek na napatay ng mga
pulis kamakailan sa Lanao del Norte.
Sa isang panayam, sinabi ni konsehal Dennis Perlas ng Batan
at ama ng pinaslang na doktor, duda umano siya na si Agapito Tamparong nga ang
responsable sa pagpatay sa kanyang anak.
Matatandaan na una nang inireport na magser-serbe sana ng
warrant of arrest ang m
ga awtoridad kay Tamparong nang ito ay tumakas at nang
maharang ay nagtangka umanong maghagis ng granada kaya ito binaril ng mg
kapulisan.
Paliwanag ng konsehal, posibleng kinilala ng pulisya si
Tamparong bilang isa sa mga suspek sa pagpatay sa barrio doctor dahil sa mga
sunud-sunod na kasong murder na kinasasangkutan nito sa Lanao.
Samantala, inanunsyo naman ng pamilya Perlas na ang libing
ni doctor Dreyfuss ay bukas na, Marso 11 sa bayan ng Batan.
Si doctor Perlas ay huling naglingkod bilang rural health
physciain ng Sapad, Lanao del Norte at binaril ng hindi pa nakikilalang mga
suspek habang papauwi sakay ng kanyang motorsiklo. (PNA)
No comments:
Post a Comment