ulat ni Joefel Magpusao/ Darwin Tapayan, Energy FM 107.7
Kalibo
Kalaboso ang isang barangay kagawad makaraang saksakin ang
isang 34-anyos na lalaki sa brgy. Cogon, Malinao dakong alas-11 ng gabi.
Ayon sa blotter report ng Malinao PNP station, nag-iinuman
umano ang biktima nang dumating ang suspek at biglang sinaksak sa kanyang
tiyan.
Kinilala ang suspek na si William Patricio y Puod, 40 anyos. Ang biktima ay kinilala namang si Ramer Tabing y Tacsay, 34
anyos.
Agad na isinugod sa provincial hospital ang biktima
samantalang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya
hinggil sa kasong ito.
No comments:
Post a Comment