Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na
maisasakatuparan nila ang Western Visayas bilang "smoke-free region."
Sa panayam kay Dr. Marlyn Convocar, DOH regional director,
sinabi niya na ang mga lalawigan sa rehiyon ay nakapagpasa na ng mga batas sa
pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Si Convacar ay bumisita sa Aklan upang umalalay kay health
secretary Paulyn Jean Ubial upang dumalaw sa burol ng yumaong si Dr. Dreyfuss
Perlas na kamakailan lang ay pinaslang sa Lanao del Norte.
Samantala, nagpapatuloy ngayon ang kampanya ng lokal na
pamahalaan ng Kalibo kaugnay ng ipapatupad na batas na nagbabawal ng
paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Sa Boracay, ang lokal na pamahalaan ng Malay ay nagbabawal
narin sa paninigarilyo sa mga public beaches. - PNA
No comments:
Post a Comment