Nagbabala ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa
publiko lalu na sa pagdagsa ng mga turista ngayong summer season sa isla ng
Boracay laban sa mga credit card skimmers.
Ito ay kasunod ng pagkakaaresto
ng pulisya sa apat na suspek na mga miyembro ng tinuturong card skimming scam
gang sa Caticlan jetty port nitong Lunes.
Kinilala ang mga naaresto na sina Camela Pahati, 33, mula
Sta. Cruz, Manila; Jose Marcelino at Apol Buenaflor, parehong taga-Taguig; at Reynald Bartolome, 29, ng Mariveles,
Bataan.
Sinabi ni SPO1 Christopher Mendoza, community relations
officer ng BTAC, una nang sinampahan ng kasong estafa ang mga suspek matapos
takasan nila ang mga hindi nabayarang bill sa isang disco bar na umabot sa
Php8,188.98 noong Marso 3.
Natakasan ng mga suspek ang naunang bar pero muling
nangbiktima ng isa pang bar makaraan ang dalawang gabi at hindi naman
nakapagbayad ng Php60,739.
Narekober sa mga suspek ang iba-ibang credit cards, limang
mobile phones at sari-saring identification cards.
Pansamantalang ikinulong sa lock-up cell ng BTAC ang apat at
sinampahan na ng kasong estafa at paglabag sa Republic Act No. 8484 o the
access devices regulation act of 1998. (PNA)
No comments:
Post a Comment