Mariing kinondena ng Department of Health ang kalunos-lunos
na pagpaslang sa municipal health officer ng Sapad, Lanao Del Norte na si Dr.
Dreyfuss Perlas.
Sinabi pa ng DOH, malaking kawalan sa kanila ang pagkamatay
ng ni Perlas, isa sa mga doctors to the barrios sa panahon kung saan
kinakailangan ang hindi matatawaran niyang paglilingkod.
Ang 31 anyos na doktor ay binaril ng hindi pa nakikilalang
suspek habang papauwi na sa tinutuluyang boarding house sakay ng kanyang
motorsiklo.
Ipinaabot rin ng DOH ang kanilang pakikiramay sa pamilya at nagpahayag
ng suporta paghanap ng hustisya.
Si Dreyfuss ay tubong Poblacion, Batan, Aklan at anak ng
mag-asawang Dennis Perlas, Sangguniang Bayan member ng Batan at gurong si
Leovilgilda Perlas.
No comments:
Post a Comment