ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
filler only |
Sa kabila ng kaliwa’t kanang kampanya ng mga bombero laban
sa sunog kaugnay ng pagdiriwang ng national fire prevention month ngayong buwan
ng Marso, isang na namang sunog ang sumiklab sa isla ng Boracay.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Boracay
naganap ang sunog Byernes dakong alas-3:30 ng madaling araw sa So. Bung-aw,
brgy. Manocmanoc sa nasabing isla.
Nabatid na totally burn ang bahay ni Rony Panagsagan na yari
lamang sa mga light materials matapos lamunin nang apoy sa loob ng halos
kalahating oras.
Sa inisyal na imbestigasyon, tinatayang aabot sa Php50, 000
ang halaga ng pinsalang dulot ng nasabing sunog.
Patuloy pang inaalam ng BFP-Boracay ang dahilan ng sunog at
wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing pangyayari.
Sa report ng BFP-Aklan, nabatid na ito na pangatlong kaso ng
sunog na naitala sa Isla ng Boracay at ikapitong sunog sa buong probinsya ng
Aklan sa buwan ng Marso.
No comments:
Post a Comment