Pinaghahandaan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo
ang paggunita sa 19 Martires ng Aklan ngayong buwan ng Marso.
Napagkasunduan sa isang pagpupulong kung anong paaralan ang
magbibigay-buhay sa pangyayari sa 19 Martires at kung paano nakamit at
tinatamasa ngayon ng mga Aklanon ang kalayaan.
Nais ng munispyo at ng Department of Education (DepEd) – Aklan
na hindi magiging karaniwan ang gagawing pagtatanghal kaugnay rito. Kabilang pa
sa mga aktibidad ang quiz bee; mga contest sa slogan making, poster making,
essay at poem writing.
Napagkasunduan rin na ang misa ay gaganapin sa Aklan freedom
shrine saka susundan ng commeration program.
Nakatakda ring ipatawag sa susunod na pagpupulong ang lokal
na pamahalaan ng Aklan para sa kanilang suporta.
Alinsunod sa republic act No. 7806, ang Marso 23 ng bawat
taon ay isang special public holiday sa lalawigan.
No comments:
Post a Comment