ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Richard Cerezo |
Masweteng napulot ng isang tapat na Kalibo Auxiliary Police
(KAP) member ang isang wallet na naglalaman ng mahigit Php20,000 at iba pang
mga dokumento sa gitna ng kalsada habang nasa kasagsagan ng trabaho Biyernes ng
umaga.
Matapos mapulot ni
Richard Cerezo, 42 anyos, ang nasabing wallet sa kanto ng Oyotorong st. at
Roxas ave. ext. at malamang naglalaman ito ng malaking halaga ng pera ay walang
anuman na dinala nya ito sa Kalibo police station.
Nang usisain, laman ng nasabing wallet ang 17 piraso ng
Php1000, anim na Php500, isang Php100, at limang Php20. Maliban rito,
naglalaman rin ito ng sari-saring government identification card na
nakapangalan kay Isidro “Oris” Eulogio ng Ureta road, brgy. Andagao, Kalibo.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, ipinaabot ni tay Oris sa KAP
member ang labis niyang pasasalamat sa pagkakabalik ng kanyang wallet at mga
laman nito. Anya, nahulog ito habang sakay siya sa tricycle patungong hard ware
shop para bumili sana ng mga materyales na gagamitin sa kanyang wilding shop.
Sinabi rin sa Energy FM ni Cerezo na wala siyang intensyon
na angkinin ang hindi kanya at hindi rin naghahangad ng kapalit. Para sa kanya
ginagampanan lamang niya ang kanyang trabaho at nanawagan sa kanyang mga kasama
na tuluran ang kanyang ginawa.
Si Cerezo ay may limang anak at lahat nag-aaral.
No comments:
Post a Comment