ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Apat na negosyo center ang nakatakdang buksan sa lalawigan
ng Aklan ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) – Aklan.
Ang Makato ay naka-set sa Marso 8,
Libacao sa Marso 16, Malinao sa Abril 20, at Malay sa Mayo 18. Ito ay
karagdagan sa mga kasalukuyang negosyo center sa lalawigan sa mga bayan ng
Kalibo, Ibajay, Altavas, Numancia, Lezo.
Sa pamamagitan nito, matutulungan
ang mga maliliit na mga negosyante para sa skills trainings, entrepreneurship
seminars, marketing and promotion, financing forum, at product development.
Ang proyektong ito ay naging
posible da pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamgitan ng
paglalaan ng espasyo at lugar para rito.
Umaasa ang DTI-Aklan na sa
pamamagitan ng dumaraming negosyo center ay lalago ang mga negosyo sa
probinsya.
No comments:
Post a Comment