Tuesday, March 07, 2017

ATI-ATIHAN FESTIVAL IPRO-PROMOTE MAGING SA MGA BUS

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Mapapanood na maging sa mga pampasahero at pangturistang bus at van ang promotional video ng ati-atihan festival.

Ayon kay konsehal Philip Kimpo Jr., ipapalabas ang videong ito sa lahat ng mga nabanggit na sasakyan na may mga telebisyon.

Paliwanag ni Kimpo, isa itong paraan upang lubusang magamit ang nasabing 15 minute-video na likha ng film artist na si Patrick Martin.

Matatandaan na pormal na inilunsad ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-atihan Festival Inc. (KASAFI) ang nasabing video sa kanilang press conference noong Pebrero.

Umaasa naman ang mga may-akda ng resolusyon na sina SB Kimpo at SB Buen Joy French na sa pamamagitan nito ay makakahikayat pa sila ng mas maraming bisita sa taunang Kalibo Ati-atihan Festival.

Samantala, nakatakda namang mag-out of town ang mga miyembro ng Sanggunian at KASAFI upang pag-usapan ang mga development sa taunang pagdiriwang.

No comments:

Post a Comment