ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM
Kalibo
Mariing pinabulaanan ng pamunuan
ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital na down-graded ang estado ng
ospital sa level 1 sa pagdinig ng committee on health ng Sangguniang
Panlalawigan.
Nilinaw ni Rex Robles, supervising
administrative officer ng opsital, na nagbago lamang ang klasipakasyon ng
ospital at hindi ito na-down grade.
Aminado si Robles na level 1 ang estado
ng ospital sa kasalukuyan mula sa pagiging secondary hospital.
Paliwanag niya, ang dating
klasipakasyon ng ospital ay primary, secondary, at tertiary hospital hanggang
sa nabago ito sa administrayon ni dating health secretary Enrique Una sa
infirmary, level 1, level 2.
Matatandaan na sa nakaraang regular
session ng Sanggunian, nabahala si SP member Noli Sodusta na may may nakarating
sa kanyang reklamo na may tinanggihan umanong maoperahan sa nasabing ospital.
Ayon kay Robles wala pang pormal
na reklamo na ipanaabot sa kanila kaugnay rito.
No comments:
Post a Comment