Showing posts with label Provincial Report. Show all posts
Showing posts with label Provincial Report. Show all posts

Thursday, March 23, 2017

AKLAN PNP NAGHAHANDA NA SA SEMANA SANTA AT SUMMER VACATION

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Naghahanda na ang Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa seguridad sa nalalapit na semana santa at summer vacation.

Kaugnay rito, sinabi ni APPO public information officer SPO1 Nida Gregas, inatasan na ang pwersa ng mga kapulisan sa lalawigan upang maglaan ng sapat na police presence, mobile o beat patrol, intelligence gathering operations at public safety para sa semana santa.

Maliban sa paghahanda para sa Lenten season, pinalalawig na rin ng Aklan PNP ang operational plan para sa summer vacation. Kasama rito ang maxim
um deployment ng PNP personnel sa provincial at sa mga municipal police stations at maging sa mga mobile patrol.

Kabilang rin sa ipapatupad ang pagakakaroon ng Police Motorists’ Assistance Centers sa mga matataong lugar at ang pag-iinspeksyon sa lahat ng mga terminal sa probinsiya.

Maglalagay rin umano sila ng mga information desk sa mga bus terminal, mga pier at mga paliparan, mga lugar ng pagsamba at sa mga resort at tourist spot.


Makikipag-ugnayan rin umano ang lahat ng mga field unit commander sa mga organizer ng mga aktibidad ng simbahan at sa mga kinauukulan.

MASANGSANG NA TAMBAKAN NG BASURA SA BORACAY SINUSULUSYUNAN NA

Ginagamit na ngayon ang isang organic mineral technology upang maalis ang masangsang na amoy ng mga basurang nakatambak sa centralized material recovery facility (MRF) sa Isla ng Boracay.

Ayon sa bagong upong executive assistant ng solid waste management na si Jose Macavinta, ang pagspray ay gagawin habang ang mga basura mula sa brgy. Manocmanoc sa Boracay ay inililipat sa brgy. Cabulihan, Malay.

Nabatid na ang nasabing white organic powder ay una nang ginamit noong Asia Pacific Economic Cooperation conference noong Mayo 2015. 

Kamakailan lang ay nangako ang lokal na pamahalaan ng Malay na matapos ang paglilipat ng mga basura sa MRF sa Abril 10. 

Ito ay kasunod ng atas ng Provincial Environment and Natural Resources-Aklan dahil narin sa mga reklamo sa mabahong amoy na nagmumula rito.

Humingi rin ng kooperasyon sa tatlong punong barangay sa Boracay at mga stakeholder sa paglutas sa suliranin ng basura sa isla. (PNA)

Wednesday, March 22, 2017

PANG-7 NEGOSYO CENTER SA AKLAN INILUNSAD NG DTI SA LIBACAO

ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

photo (c) Dicof Diaz Cofrero FB
Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) – Aklan at ng lokal na pamahalaan ang pangpitong Negosyo Center sa probinsiya sa bayan ng Libacao.

Ang nasabing Negosyo Center ay binuksan sa senior citizens building ng munisipyo umaga ng Miyerkules.

Kilala ang Libacao bilang pangunahing prodyuser ng aba
ca fiber at iba pang mga produktong pang-agrikultura.

Una nang inilunsad ng ang mga Negosyo Center sa mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Altavas, Numancia, Lezo at Makato. 

Ngayong taon, nakatakda na ring ilunsad ng DTI-Aklan ang mga Negosyo Center sa mga bayan ng Malinao at Malay.

Ayon sa DTI, sa pamamagitan ng mga center na ito ay makapagsasagawa sila ng training at micro, small and medium enterprise development sa mga stakeholder sa mga nasabing bayan. 

Samantala, napag-alaman na sa pamamagitan ng mga Negosyo Center sa Kalibo, Ibajay at Altavas sa nakalipas na taon ay nasa 6,000 na kliyente na ang nabigyan nila ng business registratrion at business advisory services. 

DROGA, SUGAL AT WANTED PERSON, SUSUPILIN NG BAGONG OIC NG AKLAN PNP

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

photo by APPO 
Striktong ipapatupad ng bagong officer-in-charge ng Aklan police provincial office (APPO) ang mga batas laban sa wanted person, illegal drugs, at illegal gambling sa kanyang panunungkulan.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo sinabi ni PSSupt. Lope Manlapaz, na ang mga atas na ito bilang OIC ng police force sa lalawigan ay mula sa regional director.

Ipapagpapatuloy rin umano niya ang mga sinimulan ng dating administrasyon lalu na sa pagpapanatili ng peace and order at pagsupil sa mga kriminalidad sa probinsiya.

Kaugnay rito hiniling niya ang kooperasyon ng mga Aklanon para sa kaayusan at katahimikan ng Aklan. Paliwanag ni Manlapaz, hindi nila matutupad ang kanilang atas at mapanatili ang kaayusan kung walang aktibong suporta mula sa mamamayan.

Si Manlapaz ay opisyal na umupo noong Lunes bilang bagong OIC ng Aklan PNP kapalit ni dating acting provincial director PSSupt. John Mitchell Jamili matapos siyang ilipat sa Campo Crame.

Ang kasalukuyang OIC ay una nang naglingkod bilang hepe ng regional logistic division ng police regional office 6.

YUMAONG PULIS BINIGYAN NG MEDAL OF HEROISM AT WREATH MULA KAY DU30

Ginawaran ng medal of heroism o medalya ng kadakilaan at wreath mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang yumaong pulis na nasagasaan ng van habang nasa kanyang katungkulan.

Personal na natanggap ng pamilya ni PO2 Kynch Parce ang nasabing nasabing medalya at wreath mula kay police regional 6 director PCSupt. Jose Gentiles.

Si Parce ay binawian ng buhay habang ginagamot sa isang pribadong hospital sa Iloilo Marso 16 ng madaling araw.

Magugunitang nasagasaan ng rumaragasang van ang pulis habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring vehicular accident sa national highway ng Makato gabi ng Marso 6.

Nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang yumaong pulis sa Sabado, Marso 25 sa New Washington Catholic Cemetery pagkatapos ng alas-10:00 na misa sa Most Holy Rosary Parish Church sa New Washington.

Tuesday, March 21, 2017

PCSO IPAPATAWAG NG SP-AKLAN RE: PAGBUBUKAS NG STL SA PROBINSIYA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Nakatakdang ipatawag ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaugnay ng takdang pagbubukas ng expanded small-town lottery (STL) sa probinsiya.

Ito ay matapos ipaabot ni SP member Lilian Tirol sa regular session ng Sanggunian ang kanyang pagkabahala kaugnay sa narinig niyang oposisyon ng simbahang Katoliko sa nasabing sugal.

Matatandaan na una nang naglabas ng pastoral letter ang diocese of Kalibo upang tutulan ang operasyon ng STL sa probinsiya sa kabila ng legalidad nito. Binasa ang nasabing pahayag sa mga misa sa lahat ng simbahang sakop ng dayoseso noong Linggo. 

Sang-ayon naman ng konseho na ipatawag ang PCSO para sa isang pagdinig na pangungunahan ng committee on games and amusement ngayong linggo upang ipaliwanag ang operasyon ng STL. Kukuwestiyunin rin kung paano magkakaroon ng bahagi ng kita ang mga lokal na pamahalaan sa operasyong ito.

Naniniwala naman si SP member Harry Sucgang na “premature” kung ipapatawag kaagad sa Sanggunian ang authorized operator ng STL. Makakabuti umano na maobserbahan muna ang kanilang operasyon simula ngayong Marso 25 saka ito ipatawag.

Una nang naireport na ang Yetbo Gaming Corporation ang nabigyan ng awtoridad na mag-operate ng nasabing number game sa probinsiya at may opisina sa N. Roldan St., Poblacion, Kalibo.

SP-AKLAN HIHINGI NG PONDO PARA SA KONSTRUKSIYON NG DEPED DIVISON OFFICE

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na humihingi ng karagdagang pondo kay education secretary Leonor Briones para sa pagtapos ng konstruksiyon ng Department of Education (DepEd) division office.

Sa regular session ng Sanggunian, sinabi ni SP member Soviet Russia Dela Cruz, kailangang matapos agad ang konstruksiyon ng bagong division office sa Numancia para magamit na ng mga estudyante ang kasalukuyang division office sa Kalibo.

Paliwanag ng lokal na mambabatas, ang kasalukuyang division office na umuukupa sa Gabaldon building ay kalapit lamang ng Kalibo Elementary School. Iginiit niya na dahil sa patuloy na pagdami ng mga estudyante, kailangan pati ang gusaling ito ay ilaan narin para sa mga mag-aaral.

Nabatid sa resolusyong inihain ni Dela Cruz na una nang naglaan ng pondo ang lokal na pamahalaan ng Aklan sa halagang mahigit Php11 milyon para dito at karagdagang Php2,700,000 mula kay dating bise gobernador Calizo Quimpo pero hindi umano ito naging sapat.

Magugunitang kamakailan lang ay una nang isinama ng gobernador ang Php25 milyong pondo na uutangin sa bangko para sa proyektong ito pero inalis rin ng Sanggunian matapos mapagkasunduan na dapat ay sa DepEd central office ito manggagaling. 


SP-AKLAN HIHINGI NG PONDO PARA SA KONSTRUKSIYON NG DEPED DIVISON OFFICE

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na humihingi ng karagdagang pondo kay education secretary Leonor Briones para sa pagtapos ng konstruksiyon ng Department of Education (DepEd) division office.

Sa regular session ng Sanggunian, sinabi ni SP member Soviet Russia Dela Cruz, kailangang matapos agad ang konstruksiyon ng bagong division office sa Numancia para magamit na ng mga estudyante ang kasalukuyang division office sa Kalibo.

Paliwanag ng lokal na mambabatas, ang kasalukuyang division office na umuukupa sa Gabaldon building ay kalapit lamang ng Kalibo Elementary School. Iginiit niya na dahil sa patuloy na pagdami ng mga estudyante, kailangan pati ang gusaling ito ay ilaan narin para sa mga mag-aaral.

Nabatid sa resolusyong inihain ni Dela Cruz na una nang naglaan ng pondo ang lokal na pamahalaan ng Aklan sa halagang mahigit Php11 milyon para dito at karagdagang Php2,700,000 mula kay dating bise gobernador Calizo Quimpo pero hindi umano ito naging sapat.

Magugunitang kamakailan lang ay una nang isinama ng gobernador ang Php25 milyong pondo na uutangin sa bangko para sa proyektong ito pero inalis rin ng Sanggunian matapos mapagkasunduan na dapat ay sa DepEd central office ito manggagaling. 


SP-AKLAN HIHINGI NG PONDO PARA SA KONSTRUKSIYON NG DEPED DIVISON OFFICE

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na humihingi ng karagdagang pondo kay education secretary Leonor Briones para sa pagtapos ng konstruksiyon ng Department of Education (DepEd) division office.

Sa regular session ng Sanggunian, sinabi ni SP member Soviet Russia Dela Cruz, kailangang matapos agad ang konstruksiyon ng bagong division office sa Numancia para magamit na ng mga estudyante ang kasalukuyang division office sa Kalibo.

Paliwanag ng lokal na mambabatas, ang kasalukuyang division office na umuukupa sa Gabaldon building ay kalapit lamang ng Kalibo Elementary School. Iginiit niya na dahil sa patuloy na pagdami ng mga estudyante, kailangan pati ang gusaling ito ay ilaan narin para sa mga mag-aaral.

Nabatid sa resolusyong inihain ni Dela Cruz na una nang naglaan ng pondo ang lokal na pamahalaan ng Aklan sa halagang mahigit Php11 milyon para dito at karagdagang Php2,700,000 mula kay dating bise gobernador Calizo Quimpo pero hindi umano ito naging sapat.

Magugunitang kamakailan lang ay una nang isinama ng gobernador ang Php25 milyong pondo na uutangin sa bangko para sa proyektong ito pero inalis rin ng Sanggunian matapos mapagkasunduan na dapat ay sa DepEd central office ito manggagaling. 


AKLAN, ISA NANG RETIREMENT-FRIENDLY AREA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Isa nang retire-friendly province or retirement area ang lalawigan ng Aklan kasunod ng pag-apruba sa resolusyong inihain kaugnay rito sa Sangguniang Panlalawigan.

Nakasaad sa draft resolution nina vice governor Reynaldo Quimpo at SP member Immanuel Sodusta, ang pagdedeklara sa probinsiya bilang retirement area ay magiging daan para maisama ng Philippine Retirement Authority (PRA) sa kanilang mga promosyon.

Sinabi rin sa resolusyong ito na sa pamamagitan rin nito ay posibleng magtayo ng satellite office ang PRA sa probinsiya.

Naniniwala ang mga lokal na mambabatas na makakahikayat ito ng mas maraming imbestor at magbubukas ng maraming trabaho sa lalawigan.


Iginiit rin na ang Aklan ay may mga pinalalawig nang imprastraktura at pasilidad, isang kakaibang kultura, at sapat na tao para tumugon sa mga pangangailangan ng mga retiree.

US CRUISE LINE MAMUMUHUNAN SA PAGTATAYO NG BORACAY TERMINAL -DOT

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Isang Miami-based international cruise line ang nakaktadang maglaan ng teknikal at pinansiyal na tulong sa pagtatayo ng terminal sa Caticlan o sa Boracay ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ito ay kasunod ng paglagda ng kasunduan ng DOT, ng lokal na pamahalaan ng Aklan at ng Royal Caribbean Cruise Ltd. (RCCL) noong nakaraang linggo para palakasin ang global cruising market sa Western Visayas.


Ayon sa report ng Philippine News Agency, sinabi ni DOT Usec. Benito Bengzon, Jr na ang kasunduan ay sa ilalim parin ng negosasyon. Plano kasi na ang homeport na itatayo ng RCCL ay magiging bukas rin sa iba pang commercial vessels. 

Hindi naman nabanggit kung magkano ang halaga na ipupuhunan rito.

Nabatid na ang Boracay ay pangatlo sa pinakamalaking cruise destination sa buong Pilipinas na may 29 pagbisita ng cruiseship sa nakalipas na apat na taon. 

MISTER TUMALON SA TOWER NG TELCO SA BAYAN NG LEZO, PATAY

ulat ni Joefel Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay na nang isugod sa provincial hospital ang isang lalaki matapos tumalon sa cell tower ng isang telco sa Poblacion, Lezo, mag-aalas-4:00 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima sa pangalang Ferdinand Serano alyas Boboy, 42 anyos, at residente ng brgy. Mina, Lezo.

Bigla umanong umakyat sa tower ang biktima saka tumalon.

Nakarating pa sa lugar ang mga pulis na tinawagan ng gwardiya ng nasabing cell site, pero nag-uumpisa pa lang ang negosasyon ay tumalon agad ito.

Napag-alaman na may hiwalay na sa asawa ang mister at may tatlo nang anak. Napag-alaman na dumaranas rin ito ng nervous breakdown na posibleng dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Monday, March 20, 2017

LALAKI SA ALTAVAS NAGBIGTI, PATAY

ulat ni Archie Guray Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay na nang matagpuan ng kanyang ina ang 20 anyos na lalaki sa Ginictan, Altavas umaga ng Linggo.

Kinilala ang biktima sa pangalang Jen Mark Geroy, residente ng nabanggit na lugar.

Mag-aalas 7:00 raw ng umaga nang makitang nakabitay na ang biktima sa nakapahalang na Kawayan sa bahay kubo, na may mahigit 50 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Lumabas sa imbestigasyon ng Altavas PNP at ayon na rin sa pahayag ng nanay, matagal na raw nagsasabi ang biktima patungkol sa mga bagay at kababalaghan na nagpapakita umano sa kanya simula pa raw noong Oktubre 2016.

Hanggang sa nagbigti na nga ang biktima.

Samantala naisugod pa ito sa Altavas District Hospital pero ideneklarang dead on arrival.

LALAKI SINAKSAK, PATAY SA ANTIQUE

Patay ang 16 anyos na lalaki sa brgy. Pandanan, Valderrama, Antique matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Kinilala ang biktima sa pangalang Robert Rico Roquero, residente rin ng nabanggit na lugar.

Nakatalikod raw ang biktima nang saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ito ng sugat sa likod na bahagi ng katawan.

Naisugod pa sa hospital ang biktima pero binawian ito ng buhay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Valderrama PNP para matukoy ang suspek.

MGA TRICYCLE DRIVERS MULING PINAALALAHANAN NA SUMUNOD SA BATAS-TRAPIKO

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang mga motorista na sumunod sa mga traffic rules and regulations para maiwasan ang mga aksidente at maprotektatahan ang mga sarili.

Ito ang binigyang diin sa mga sunod-sunod na seminar na isinagawa ng Sangguniang Bayan sa mga tricycle drivers and operators  bago sila mabigyan ng motorized tricycle operators permit (MTOP).

Nabatid ayon sa rekord ng Kalibo police station, ang kabuuang bilang ng mga aksidente sa kalsada mula Enero hanggang Marso 16, 2017 sa Kalibo ay umabot na sa 150; 52  dito ang nagresulta sa physical injuries; 95 sa damage properties; at 3 ang naiulat na namatay.

Sinabi ni Kalibo PNP traffic division chief SPO2 James Bantigue na ang tumataas na bilang ng mga aksidente sa kalsadahin dito ay dahil sa dumaraming bilang ng mga sasakyan na labas-pasok sa sentrong ito ng probinsiya.

Nitong Marso, kabuuang 2,988 permit na inilabas ng lokal na pamahalaan sa mga may-ari at drayber ng mga tricycle para legal na makapag-operate.

Maliban sa mga batas trapiko, itinuro rin ang mga environmental concern, personal hygiene at tamang pag-uugali ng mga drayber, at
takdang pagpapatupad ng no smoking policy.

SEGURIDAD SA BORACAY HIHIGPITAN SA SEMANA SANTA AT SUMMER

Hihigpitan ang seguridad sa parehong Caticlan at Cagban port bilang paghahanda sa pagbuhos ng mga turista sa isla ng Boracay sa nalalapit na semana santa at summer vacation.

Sa isang panayam, sinabi ni Aklan jetty port administration special operation officer Jean Pontero, pinaghahandaan na ng inter-agency ang seguridad sa lahat ng entry point sa isla.

Sinabi pa ni Pontero na makikipag-ugnayan ang port authority sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Malay police station, Philippine Coastguard, Philippine Army, Maritime Police, Malay Auxiliary Police, at
Municipal Disaster Risk Reduction Center.

Maglalagay rin ng mga tourist assistance desks sa Caticlan at Cagban ports.

Ang semana santa na natuon sa Abril 9-16 ay isa sa mga pinakaabalang linggo sa isla dala ng inaasahang buhos ng mga turista. 

Sa kabilang dako, nagsimula na ang  BTAC sa pagpapatupad ng Oplan Summer Vacation (SumVac), na naglalayong itaas ang mga police visibility sa mga matataong lugar. (PNA)

MGA ATLETANG LUMAHOK SA WVRAA BIBIGYAN NG PAGKILALA NG SANGGUNIAN NG KALIBO

Binigyan ng pagkilala ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang mga atletang lumahok sa West Visayas Regional Athletic Association Meet (WVRAA) makaraang mag-uwi ng karangalan mula sa nasabing patimpalak.

Nabatid na sa over-all medal tally, pumangalawa ang Aklan sa regional sports competition na ito kasunod ng Iloilo.

Ang pagkilalang ito ay base sa resolusyong inihain nina SB member Philip Kimp
o Jr. at Buen Joy French.

Iminungkahi naman ni SB member Daisy Briones na kung maari ay isama ang lahat ng pangalan ng mahigit isang daang atleta mula sa Kalibo sa nasabing resolusyon.

Isa si multi-awarded swimmer Kyla Ong Suguilon sa mga atletang mula sa Kalibo ang nakapag-ambag sa karangalang ito sa probinsya humakot ng mga medalya sa swimming competition sa elementary level.

Ang WVRAA ay idinaos sa San Jose de Buenavista, Antique noong Pebrero 5 hanggang 11.









MGA LIFE GUARD SA BORACAY PUSPUSANG ANG TRAINING PARA SA PEAK SEASON

Nagpapatuloy ang puspusang pagsasanay ng lokal na pamahalaan ng Malay sa mga lifeguard sa isla bilang paghahanda sa nalalapit na peak season.

Ayon kay executive assistant IV at island administrator Rowen Aguirre, ang training na ito ay naglalayong masanay ang ang kanilang response capacity sa oras ng emerhensiya.

Nabatid na mula 17 noong nakaraang taon, mayroon nalamang na siyam na lifeguard ang lokal na pamahalan na nagbabantay lalu na sa front beach ng Boracay.

Sa kabila ng kaunting bilang ng mga lifeguard, pinasiguro ni Aguirre ang seguridad ng mga turista na naliligo sa baybayin. Sinabi niya na maliban sa mga lifeguard, ang mga guwardiya ng lokal na pamahalaan ay sinasanay rin nila bilang lifesavers.

Sinabi rin ni Agguire na inatasan narin ang mga lumalabag sa mga ordinansa sa isla.


Kinokonsidera ang Abril at Mayo bilang peak season sa Boracy dahil sa malaking bilang ng mga aktibidad na isinasagawa rito. Kabilang na ang Labor Day weekend o “LaBoracay”, international dragon boat festival at semana santa. (PNA)

Saturday, March 18, 2017

PASTORAL LETTER NG PAGTUTOL SA STL BABASAHIN SA MGA SIMBAHAN SA AKLAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Maglalabas ng pastoral letter ang Diocese of Kalibo para tutulan ang takdang pagbubukas ng small-town lottery (STL) sa probinsya ng Aklan.

Sinabi ni Fr. Isauro David, tagapagsalita ng Diocese sa usapin ng STL, na ang nasabing sulat ay babasahin sa misa sa lahat ng simbahan sa lalawigan.

Una nang sinabi ni Fr. David sa Energy FM Kalibo ang pagkabahala ng simbahan sa epekto ng numbers game na ito sa pamilya at sa kumunidad sa kanilang pamumuhay at pag-uugali.

Bagaman wala umano silang magagawa sa legalidad ng operasyon, umaasa siya na sa pamamagitan ng pastoral letter na ito ay mahikayat ang mga mamamayan na huwag tangkilikin ang ganitong uri ng sugal.

Naniniwala si David na kapag walang tumataya rito ay mapipilitan rin umano ang operator na magsara.

Umaasa rin siya na mapag-usapan ng Sangguniang Panlalawigan at mga opisyal ng bayan ang isyung ito at maimbetahan sila upang ipahayag ang panig kaugnay rito.

PHP3,000 PABUYA SA MAKAPAGTUTURO SA MGA NAGTATAPON NG DIAPER

photo filler
 Gusto niyo bang magkaroon ng Php3,000 nang walang kahirap-hirap?

Isang barangay sa bayan ng Lezo ang nag-aalok ng Php3,000 pabuya sa mga makapagtuturo sa mga nagtatapon at nagkakalat ng mabaho at gamit na diaper sa kanilang lugar.

Ang kakaibang aksiyon na ito ay inanunsiyo ng sanggunian ng brgy. Bagto sa nasabing bayan matapos makita ang mga nagkalat na mga diaper na itinatapon ng mga iresponsableng mga magulang o guardian na dumaraan sa highway.


Ayon kay punong barangay ni Renee Layson na ang pagkakalat ay isang pangunahing suliranin ng kanilang barangay. Sinabi pa ng punong barangay na hind ito kaaya-aya sa pang-amoy at tanawin.

Nabatid na nagpapatuloy ngayon ang konstruksiyon ng bagong provincial road sa lugar na nagdurugtong sa ruta Iloilo-Caticlan palabas-pasok ng Boracay. Ito ang dahilan para anya panatilihin nila ang kalinisan ng barangay.

Hinikayat ng konseho ang kabarangay na kunan ng litrato kung sino ang nagtatapon para masigurong ang akusasyon nila ay tama at para maibigay sa kanila ang nasabing pabuya. (PNA)