Nagpaalala ang Philippine Statistics Authority-Aklan sa
lahat ng mga gustong kumuha ng birth certificate na dapat ay may authorization
letter mula sa may-ari.
Ayon kay provincial statistics officer Antonet Catubuan, ang
mga rekord ng kapanganakan ay binibilang na konpedensyal alinsunod sa Article 7
of Presidential Decree 603 o Child and Youth Welfare Code.
Dahil rito, hinikayat ni Catubuan na magkaroon ng
authorization letter bago ang dokumento ay maibigay maliban lamang kung siya
may-ari mismo ang kukuha, mag
ulang, asawa, direktang kamag-anak, legal
guardian, o institution in-charge kapag menor de edad.
Gayundin, kinakailangan rin ng PSA ang valid ID ng may-ari
at ang humihingi ng kopya bilang karagdagang requirement para maibigay ang
birth certificate.
Nilinaw naman ng statistics officer na ang mga rekord kagaya
ng kasal, kamatayan, at certificate of no marriage ay mga pampublikong
dokumento kaya pwede itong hilingin ng sinuman basta alam ng mga ito ang
hinihinging impormasyon sa application form.
Maliban sa cenomar na nagkakahalaga ng Php195 bawat kopya,
ang iba pang mga civil documents ay Php140 bawat kopya.
Dagdag pa ni Catubuan na ang mga civil registry documents na
ito ay maaari ring kunin sa lahat ng PSA outlet sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment