ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Pinaboran ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang ordenansa
na nagre-require sa lahat ng mga istraktura o gusali sa bayan ng Malay na
humingi muna ng endorsement mula sa Sangguniang Bayan.
Sa isinagawang 29th regular session ng SP-Aklan,
lusot na ang nasabing batas makaraang magbotohan ang mga miyembro sa pitong
yes, tatlong no.
Ang mga hindi pumabor ay sina SP member Lilian Tirol, Soviet
Russia Dela Cruz at Noli Sodusta.
Ayon kay Sucgang na walang technical people ang SB Malay
para rito at sinabi pa niyang dagdag lang ito sa pasanin ng mga miyembro ng
Sanggunian.
Kinatigan rin ng provincial prosecutor ang nasabing batas at
sinabing walang pagbawal rito at nasa executive parin ang huling desisyon kung
magbibigay ito ng permit o clearance.
Una nang sumailalim sa committee hearing ng Sangguniang
Panlalawigan ang ordenance no. 358-2016 sa pagdinig ng committee on public
works, housing, land use and urban relocation at napagkasunduan na ipasa ang
nasabing ordenansa.
No comments:
Post a Comment