ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo by PIA-Aklan |
Nakikiisa rin ang pamahalaang lokal ng Aklan sa pagdiriwang
ng national women’s month ngayon buwan ng Marso sa temang “we make change, work
for women”.
Pormal na nagsimula ang pagdiriwang nitong Miyerkules sa ABL
sports compl
ex at magtatagal sa buong buwan.
Sa unang araw ng pagdiriwang, binigyang parangal ang
iba-ibang organisasyon, asosasyon, at academe na nagtataguyod ng mga karapatan
at pangangalaga sa mga kababaehan. Pormal ding inilunsad ang programang
“Serbisyo Para kay Juana”.
Ilan pa sa mga nakatakdang mga aktibidad ay forum patungkol
sa anti-illegal recruitment sa Aklan, planning and development workshop, job fair,
community health volunteers training, search for great women of Aklan, women
summit at film showing.
Ang pagdiriwang na ito ay inorganisa ng Aklan Gender and
Development Commission at ng Provincial Planning and Development Office.
No comments:
Post a Comment