Nanguna na naman sa mga turista sa Isla ng Boracay ang mga
Chinese National sa nakalipas na buwan ng Pebrero.
Ayon kay Julfe Rabe, information officer ng Caticlan jetty
port, nakapagtala sila ng 40,036 Chinese tourists sa buwan ng Pebrero.
Sinundan ito ng mga taga-South Korea na 37,511 bilang.
Pangatlo naman sa tourist arrivals ay ang mga Taiwanese sa 5,126.
Matatandaan na una nang nanguna sa mga turista sa Boracay
noong nakaraang
Enero ang mga Chinese.
Ang iba pang mga nangungunang mga turista sa Boracay ayon sa
pagkakasunod-sunod ay ang mga taga-USA, Russia, United Kingdom, Australia,
Malaysia, Canada at Sweden.
Sa isang panayam, umaasa si jetty port administrator Niven
Maquirang, na mas tataas pa ang bilang ng mga turista Chinese kasunod anya ng
bumubuting relasyon ng China sa administrasyon Duterte.
No comments:
Post a Comment