Wednesday, May 24, 2017

KALIBONHON PABOR SA PAGTATAYO NG COVERED COURT SA PASTRANA PARK

Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Tuloy na ang konstrukyon ng covered court sa Pastrana Park.

Pinaboran kasi ng mga Kalibonhon ang proyekto sa isinagawang public hearing ng munisipyo Miyerkules ng umaga.

Matatandaan na una nang naghain ng pagtutol sa Sangguniang Bayan ang ilang indibidwal sa pangunguna ni Ofelia Martelino dahil posible umanong makasira ang proyekto sa mga arkeolohiya rito.

Sa isinagawang public hearing, nabatid kay Poblacion barangay kagawad NiƱo Carvona na naghain na siya ng petisyon sa Sangguniang Bayan na nagrerekomenda ng sa nasabing proyekto na nilagdaan ng nasa 600 mga Kalibonhon.

Pabor din ang mga taga-C. Laserna rito upang magamit umano ng mga kabataan sa paglilibang at paglalaro. Malaking tulong rin anila ito bilang evacuation center lalu na para sa kanila sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.

Ayon kay Engr. Laserna ng Department of Public Works and Highway – Aklan, ang itatayo sa lugar ay isang standard covered court kung saan nakabukas anya ang paligid nito.

Sa unang bahagi ng pagdinig, personal na kinuwestiyon ni vice governor Reynaldo Quimpo ang proseso ng Php5 milyong proyekto at nagsabi rin na makakasira ng arkeolohiya ang nasabing konstruksyon.

Kalaunan ay naging malinaw rin sa kanya ang proyekto nang maipakita na at mailahad ng DPWH ang itsura ng itatayong covered court.

No comments:

Post a Comment