Showing posts with label Kalibo PNP. Show all posts
Showing posts with label Kalibo PNP. Show all posts

Thursday, May 30, 2019

48 traffic violators nahuli ng Kalibo PNP sa Oplan Sita

photo: Kalibo PNP
NAHULI NG kapulisan ng Kalibo PNP Station ang 48 traffic violators sa isinagawa nilang Oplan Sita sa ilang mga pangunahing kalsada sa bayang ito ngayong araw.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, karamihan sa mga violators ay mga nagmamaneho ng walang driver's license at mga hindi nakahelmet.

Sinabi ng hepe na tuloy-tuloy ang gagawin nilang Oplan Sita sa mga kalsada kasama ang mga tauhan ng Kalibo Auxiliary Police para madisiplina ang mga motorista.

Layunin din umano ng kanilang operasyon ang mailayo sa kapahamakan o disgrasya ang mga nagmamaneho.

Iba pa umano ito sa kanilang checkpoint. Ang Oplan Sita ay pwede umano nilang gawin sa oras ng pangangailangan.

Samantala, ngayong araw ay nagkabit ng mga signages ang kapulisan ng Kalibo sa mga kalsada sa bayang ito na naglalaman ng ilang paalala sa ligtas na pagmamaneho.

Pahayag ni LtCol. Mepania, katuwang nila rito ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Land Transportation Office (LTO) lahat dito sa Aklan.

Aniya bahagi ito ng napag-usapan ng inter-agency sa kanilang Road Safety Summit kamakailan. Sa mga susunod na araw ay magdaragdag pa umano sila ng mga signages.

Nanawagan si Mepania sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko para iwas abala at kapahamakan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, March 06, 2019

Tricycle driver arestado sa iligal nga pagbaligya it baril


ARESTADO RO eaki ngara matapos nga madakpan it kapulisan paagi sa sangka entrapment operation riya sa banwa it Kalibo nga iligal nga nagabaligya it baril.

Ginkilaea ro suspek nga si Nandy Aresme, 40-anyos, it Brgy. Cogon, Lezo ag sangka tricycle driver.

Nabuoe sa suspek ro 45 pistol nga loaded it pito ka bala it 38 caliber snab nose nga baril ag do buy bust money nga Php20,000.

Suno sa kapulisan nabakae sa suspek sa buy bust operation ro 45 pistol nga baril samtang narikober man t-a sa ana nga posisyon ro 38 caliber.

Ro suspek hay nakakulong makaron sa Kalibo PNP station ag nakataeana nga pagapasakaan it kaso nga pageapas sa Republic Act 10591.

Ro operasyon hay ginkasa it gintingob nga pwersa it kapulisan it CIDG - AKlan, Aklan Intelligence Branch, ag Kalibo PNP sa D. Maagma St.

Wednesday, February 27, 2019

Mga menor de edad nahuling nagko-computer sa oras ng klase sa Kalibo


DINALA SA Kalibo PNP Station at pinangaralan ng hepe ang nasa 20 kabataan na nahuli ng kapulisan Martes ng hapon na nagko-computer sa oras ng klase.

Ipinaitindi ni PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, ang pagpapahalaga ng mga bata sa kanilang pag-aaral at pagsisikap ng kanilang magulang para mapagtapos aila.

Habang binalaan naman ng hepe ang mga may-ari ng mga kompyuteran na nagpapasok ng mga menor de edad na mga estudyante sa kanilang mga shop sa oras ng klase.

Nakasaad sa Code of General Ordinance ng Kalibo na bawal na manatili ang mga estudyante sa mga internet shops 7:30am-11:30am at 1:30pm-4:30pm maliban lamang kapag walang pasok at tuwing weekend.

Sinumang lalabag sa ordenansang ito ay pagmumultahin ng hanggang sa Php2500 o revocation, maging non-renewal of license. Sa Code of General Ordinance naman aabot rin sa Php2500 ang pwedeng multa o pagkakulong ng dalawang linggo.##

Thursday, February 21, 2019

Kalibo PNP Chief sa mga establishment, magbigay agad ng kuha ng CCTV


NANAWAGAN NGAYON ang Kalibo PNP sa mga may-ari o namamahala ng mga establishment sa bayang ito na magbigay agad ng kopya ng CCTV sa kapulisan kapag may krimen sa loob o malapit sa kanila.

Ayon kay PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, may mga karanasan na naaabala ang agarang paglutas ng kaso dahil may ilang kompaniya umano rito ang humihingi pa muna ng permiso sa kanilang mga head office sa Maynila bago makapaglabas ng kuha ng CCTV.

Ngayong araw ng Huwebes ay ipinatawag ng hepe sa police station ang mga may-ari o namamahala ng ilang establishment sa bayang ito para sa isang pagpupulong kaugnay sa nasabing usapin.

Hiningi ni Supt. Mepania ang pagsang-ayon ng mga ito sa panukalang magkaroon ng isang Memorandum of Agreement ang mga kapulisan sa mga establishment na maglabas agad ng kuha ng CCTV para makatulong sa imbestigasyon nila.

Sang-ayon naman ang mga ito sa nasabing panukala. Ayon sa hepe, binabalangkas na ang laman ng MOA na aniya posibleng sa susunod na linggo ay lalagdaaan na nila ito.

Inilahad ng hepe na sang-ayon sa section 12 at 13 ng Kalibo Ordinance no. 2017-024, kapag may insidente na naganap sa loob o malapit sa establishment ay kailangang makipag-ugnayan agad ang mga may-ari o namamahala sa kapulisan para makapaglabas ng kuha ng CCTV.

Nagbabala rin ang opisyal na ang hindi susunod rito ay posibleng maharap sa kaukulang parusa na itinatakda ng parehong lokal na ordinansa.

Binigyang diin ng hepe na malaking tulong sa kanilang imbestigasyon sa paglutas ng ilang krimen ang mga kuha ng CCTV gaya nalang pag-aresto sa mga magnanakaw.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Tuesday, January 15, 2019

Augmentation force ng kapulisan sa Kalibo Ati-atihan Festival 50% na


NASA KALAHATING porsyento na ang augmentation force ng kapulisan sa nagpapatuloy na pagdiriwang ng Kalibo Ati-atihan Festival.

Ito ang pinahayag ni PSupt. Richard Mepania, help ng Kalibo PNP at ground commander ng event, sa isang media interview hapon ng Martes.

Aniya dumating ang kalahati ng inaasahang bilang ng augmentation force ng kapulisan araw ng Lunes at nagsimula nang italaga sa loob at labas ng festival zone.

Una nang ibinalita na nasa mahigit 1,500 kapulisan ang itatalaga sa malaking selebrasyong ito. Malaking bilang nito ang mula sa regional office ng Philippine National Police.

Dinagdag ni Mepania na sa Huwebes ay makokompleto na ang augmentation ng kapulisan para masiguro ang isang mapayapa at maayos na festival. Target nila ang zero major incident sa event na ito.

Mababatid na 18 police assistance desk ang kanilang itinayo para magbantay sa seguridad. Dadaan din sa pedestrian screening area ang mga festival goer.

Nakatakda namang pansamantalang patayin ang mga telecommunication signal sa festival zone sa bisperas at kaarawan ng pagdiriwang para sa seguridad.

Nanawagan naman ng kooperasyon ng taumbayan at mga bisita ang hepe ng Kalibo PNP sa mga ipinatutupad nilang seguridad at mga ordinansa.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, January 14, 2019

Bahay ng negosyante sa Kalibo pinasok ng magnanakaw tangay ang Php200k


PINASOK NG magnanakaw ang bahay ng isang negosyante sa Brgy. Andagao, Kalibo tangay ang Php200,000 halaga ng pera at cellphone.

Ayon kay Ma. shane Degala nagising umano siya umaga ng Linggo na nakabukas na ang sliding window ng kanilang kuwarto at nawawala na ang kanyang bag.

Natagpuan nalang ang kanyang bag sa labas ng kanilang bahay, nagkalat ang mga papeles subalit wala na roon ang kanyang cellphone at pera na nakasilid sa pouch.

Sinabi ng negosyante na ilang beses umano niyang napansin na sinusundan siya ng di pa nakikilalang mga tao. Paniwala niya pinalano ang insidente.

Ipinarekord na niya ang nangyari sa Kalibo Police Station. Iimbestigahan pa ng kapulisan ang kaso.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, November 14, 2018

Kalibo Police Station pinaigting do Special Motorized Anti-Criminality Response Team

[Press Release] PINAIGTING EON it Kalibo Police Station ro Special Motorized Anti-criminality Response Team (S. M. A. R. T) sa banwa it Kalibo. Suno kay PSUPT Richard Mepania, Chief of Police it Kalibo Municipal Police Station nga ipatupad do rayang programa dahil sa paeapit nga Kapaskwahan ag Bag-ong Dag-on. Kung siin dayang programa hay ginakumponihan it didekadong Police nga magahimo it pag patrolya gamit do motorsiklo sa mga gapangunang daeanon it Kalibo.

Dayang systema hay kaparte ku Comprehensive Patrol Deployment Plan/Oplan Patrol Serenata nga magasilbi sa tanan nga barangay it Kalibo nga kung siin mapadali ro pag responde sa gakatabo nga krimen. Nakataeana nga maga implementar it Brgy. Saturation Drive. May una man nga Oplan Bulabog “Wang Wang Sa Brgy. “ nga kung siin maga himo it sunod-sunod nga paglibot it patrol cars ag motorsiklo nga gamit do pag patunog it sirena ag blinkers sa tanan nga mga barangay. Gapati gid do kapulisan nga mabahoe rayang epekto para matapna do gakatabo nga holdapan ag panakawan sa banwa.

Dugang sa pag implementar it lokal nga ordinansa, magahimo pa gid it patrolya sa mga bars ag club agud mabuhinan ro mga krimen paagi sa "Oplan Bakal" ag "Oplan Sita" sa mga establisimiento. Gina hinyo gid ro mga tag-iya it mga bars nga magbutang it mga CCTV cameras kun sa siin kaparte raya para mapadali do pagsugpo it kriminalidad nga gakatabo sa banwa it Kalibo.

Gapangayo gid it kooperasyon/bulig do Pulis Kalibo sa mga pumueoyo para matapna do mga krimen ag mapa establisyar do kalinong it banwa.##

- P01 Aldren Andrade, Asst. PCR Kalibo Police Station

Friday, November 09, 2018

MGA TRICYCLE AT PEDICAB IPAGBABAWAL SA MGA NATIONAL HIGHWAY SA AKLAN

IPAGBABAWAL NA na dumaan sa mga national highway sa Aklan ang mga tricycle at mga pedicab alinsunod sa memorandum na ibinaba ng Department of Interior and Local Government.

Inatasan na ni PSSupt Lope Manlapaz, provincial director ng kapulisan sa probinsiya, ang kapulisan sa mga bayan na magsagawa ng pagpupulong sa mga driver at operator.

Kasunod ito ng hiling ng Nagkakaisang Samahan ng mga Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc. sa DILG na ipatupad ng PNP ang nasabing memorandum.

Sa bayan ng Kalibo, kasama ang pamahalaang lokal nagsagawa ang kapulisan ng pagpulong sa mga opisyal ng mga asosasyon ng mga tricycle at pedicab araw ng Miyerkules.

Ayon kay PSupt Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, sang-ayon umano ang mga drivers at operators sa planong ito. Pag-aaralan pa umano nila ang magiging alternatibong rota ng mga tricycle at pedicab.

Gayunman kapag walang ibang pwedeng daan para sa kanila, maaari parin naman umano nilang gamitin ang national highway basta nasa tabi lang umano sila palagi.

Ipagbabawal rin ang mga tricycle at pedicab na magsakay ng mahigit na pasahero o mga karga kesa sa nakasaad sa kanilang prangkisa. Posiblen aniyang patawan ng kaukulang penalidad ang lalabag rito.

Napag-alaman na ang panawagang ito na i-ban ang mga tricycle ay noon pang 2007 sa ilalim ng Memorandum Circular 2007-01. Layunin nito na maiwasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga sasakyang ito.##

Thursday, November 01, 2018

TATLO ARESTADO MATAPOS MAHULING HUMIHITHIT NG MARIJUANA SA KALIBO

ARESTADO ANG tatlong lalaking ito makaraang maaktuhan ng mga otoridad na humihithit ng marijuana madaling araw ng Huwebes sa Brgy. Pook, Kalibo.

Kinilala sa report ng kapulisan ang tatlo na sina Joemarie Perez, 32-anyos, tubong Iloilo, residente ng Brgy. Poblacion, Kalibo; Kevin Panagsagan, nasa legal na edad, residente Cubay Sur, Malay at; Kevin Bello, 39, tubong Iloilo, residente ng Brgy. Andago, Kalibo.

Nabatid na unang napansin ni Kagawad Lud Pinos ang mga nasabing grupo na humihihithit habang naglalakad. Agad niyang itong inireport sa Kalibo PNP at naaresto ang tatlo na mga miyembro umano ng isang music band.

Kabilang sa mga nasabat sa tatlo ang isang improvised na pipe na may residue pa ng pinaniniwalaang marijuana at isang plastic sachet na may lamang marijuana.

Nakakulong na ngayon ang tatlo sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo

Wednesday, October 31, 2018

KALIBO PNP NAGBABALA SA POSIBLENG PAG-ATAKE NG MGA AKYAT-BAHAY NGAYONG UNDAS

NAGBABALA NGAYON ang Kalibo PNP sa taumbayan sa posibleng pag-atake ng mga akyat-bahay ngayong undas.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni PO2 Erick De Lemos, theft and robbery investigator, na sasamantalahin ng mga magnanakaw ang okasyong ito kung saan lumalabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay.

Paalala niya sa mga aalis ng bahay na ikandadong maigi ang mga pinto, bintana ng bahay upang hindi mapasok ng magnanakaw. Maaari rin anyang iwan sa mapagkakatiwalaang kapitbahay ang iyong bahay para mabantayan.

Dagdag pa niya, alisin din sa mga saksakan ang mga appliances at patayin ang main switch na posibleng simulan ng sunog. Katwiran niya, mainam parin ang manakawan ng ilang beses kesa masunugan.

Maging alerto rin aniya kapag nasa loob ng bahay. Agad alamin ang mga yabag, ingay o tahol ng aso na naririnig sa labas lalo na kapag natutulog na sa gabi.

Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng kapulisan ang insidente ng pagnanakaw o akyat bahay sa isang apartment sa Brgy. Andagao madaling araw ng Miyerkules.

Ayon kay De Lemos, natangay ng magnanakaw mula sa apartment ang dalawang cellphone, isang tablet, ang pera na nagkakahalaga ng Php10,000.

Napag-alaman na nakuha ang mga ito ng magnanakaw dahil nakabukas ang bintana.##

Monday, October 08, 2018

NEGOSYANTE ARESTADO SA PAGTUTULAK NG DROGA SA KALIBO

INARESTO NG kapulisan ang lalaki na ito sa Oyo Torong St. makaraang mabilhan umano ng operatibo ng pinaniniwalaang marijuana.

Kinilala ang suspek na si Ronald Carion “alyas Alog”, 49-anyos, isang negosyante at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa kapulisan nasabat nila mula sa suspek ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang marijuana at dalawang Php500.

Ikinasa ng Kalibo PNP kasama ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit ang buy bust operation laban sa suspek gabi ng Sabado.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot niya sa iligal na droga.

Nakakulong na siya ngayon sa Kalibo PNP at nakatakdang sampahan ng
paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.##

Friday, October 05, 2018

KARGADOR ARESTADO SA PAGNANAKAW NG MOTORSIKLO SA KALIBO

ARESTADO ANG lalaking ito sa pagnanakaw ng motorsiko sa Brgy. Andagao, Kalibo gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Arman Tambong, 28-anyos, tubo sa bayan ng Balete at residente ng Brgy. Andagao, Kalibo, kargador sa Kalibo Public Market.

Nabatid na ang motorsiklo na pagmamay-ari pala ng isang bombero ay ninakaw ng suspek sa harapan mismo ng bahay ng biktima.

Ayon kay PO2 Erick John De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP na nakilala nila ang suspek makaraang maaktuhan sa kuha ng CCTV ng kapitbahay.

Agad nagsagawa ng operasyon ang kapulisan at naaresto ang suspek at narekober ang motorsiklo.

Sinabi ng suspek na napagkamalan lamang niya na kanya ang nasabing motorsiklo dahil lasing siya.

Nakakulong na sa Kalibo PNP station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong carnapping.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Thursday, October 04, 2018

WAITER KULONG MAKARAANG MANAKSAK NG KOSTUMER SA ISANG BAR SA KALIBO

KULONG ANG lalaking ito sa Kalibo Police Station makaraang manaksak ng kostumer sa isang bar sa bayan ito.

Kinilala ang suspek na si Raffy Sarino y Lachica, 24-anyos, residente ng Bagong Barrio, Makato at waiter ng bar.

Kinilala naman ang biktima na si Rod John Torres y De Pedro, 23, residente ng Brgy. Ugsod, Banga.
Sa paunang ulat ng Kalibo PNP, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang isa pang lalaki sa Shot Bar sa N. Roldan St. nang maganap ang nasabing insidente.

Lumapit umano ang grupo ng mga tao sa kanila nang magkaroon sila ng pagtatalo at isa sa kanila ay sinaksak ang biktima gamit ang basag na bote ng beer.

Tinamaan sa kanyang dibdib ang biktima at agad isinugod sa ospital. Agad ring tumakas ang suspek sa lugar kasama ang kanyang grupo.

Sa follow-up investigation, unang sinabi ng waiter na suspek sa kapulisan na ang nanaksak ay kanilang regular kostumer na isa umanong Raffy Santiago.

Kalaunan ay sumuko rin siya sa kapulisan at sinabi na siya ang responsable sa pananaksak sa biktima. Positibo rin siyang kinilala ng biktima.

Naganap ang insidente madaling araw ng Martes at sumuko ang suspek umaga ng Miyerkules.
Nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide ang suspek.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Tuesday, September 25, 2018

MAGNANAKAW NG MOTORSIKLO SA KALIBO, HULI SA ILOILO

NAARESTO NG mga kapulisan ang lalaki na ito makaraang nakawin ang isang motorsiklo dito sa bayan ng Kalibo.

Kinilala ang suspek na si Marco Atido, nasa legal na edad.

Ninakaw ng suspek ang motorsiklo sa compound ng pamilya Francisco. Nakuhanan naman ng CCTV ang insidente.

Matapos mapag-alamang nasa Dumangas, Iloilo ang suspek, agad nagkasa ng operasyon ang Pulis Kalibo para maaresto ito.

Sa panayam sa suspek, taga-Caloocan umano siya. First time umano niyang magnakaw ng motor. Ginawa lamang umano niya ito service pa-Iloilo kung saan plano niyang magtrabaho sa construction.

Nakatakdang sampahan ng kasong motornapping ang suspek.

Nananawagan naman si PO2 Erick De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP na ipark lamang sa ligtas na lugar ang mga motorsiklo.

Dagdag pa niya, mainam na maglagay ng CCTV sa mga parking area. Dapat aniya ay nakalock ito at siguraduhing naalis ang susi.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Thursday, August 16, 2018

3 SUGATAN MATAPOS MAGKABANGGAAN ANG 2 MOTORSIKLO SA KALIBO!

Sugatan ang tatlong katao matapos magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Jaime Cardinal Sin Avenue, Poblacion, Kalibo alas 11:00 pasado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima sa pangalang NiƱo Jessie Fernandez Y Briones, 33-anyos, driver ng Honda RS at backrider nito na si Jonald Tolentino y Ogong, 21-anyos na taga-Camanci Sur, Numancia, Aklan.


Sa imbestigasyon ng PNP, patungong New washington ang dalawa nang makabanggaan ang isang Suzuki motorcycle na minamaneho ni Aile Mae Retoran y Repolito, 26-anyos na taga-Paraiso Road, Linabuan Sur, Banga, Aklan.

Lumiko raw ito mula sa R. Quimpo St. patungo sa Jaime Cardinal Sin Avenue kung saan nakabanggaan si Fernandez.

Naisugod naman agad sa ospital ang mga biktima.

- Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Monday, August 13, 2018

LALAKI NA SUMAKSAK SA FISH VENDOR SA KALIBO PUBLIC MARKET, SUMUKO SA PULISYA

Sumuko na sa PNP ang suspek sa pananaksak sa isang fish vendor sa Kalibo Public Market kahapon.

Kinilala ang biktima sa pangalang Bryan Florencio, alyas "Bryan Anghit", 32-anyos, tubong Balete, Aklan.

Kinilala naman ang suspek sa pangalang Anthony Roma, 42-anyos, residente ng Toting Reyes St., Kalibo, Aklan.

Sa imbestigasyon ng PNP, nakatayo raw sa loob ng Kalibo Public market ang biktima nang lapitan ito ng suspek, hinawakan sa balikat, sabay saksak.

Matapos ang insidente, tumakbo palabas ng palengke ang suspek.

Isinugod naman agad sa hospital ang biktima.

Nagtamo ito ng sugat sa tiyan at kasalukuyang ginagamot sa Aklan Mission Hospital.

Sa pahayag ng suspek, nag-ugat ang kanyang galit sa biktima dahil kinaibigan nito ang kanyang 12-anyos na anak na babae at tinuruan raw na mag-bisyo.

Nakakulong na ang suspek sa Kalibo PNP station. | Arc hie Hilario, EFM Kalibo

Sunday, August 12, 2018

KOLUROM NA TRICYCLE TUMAKAS SA POLICE CHECKPOINT, NADISGRASYA 3 PASAHERO NASUGATAN

Sugatan ang tatlong pasahero kasama ang isang taong gulang na bata matapos tumaob ang tricycle na ito.

Sa imbestigasyon ng traffic division ng Kalibo PNP nagsasagawa raw ng checkpoint ang mga otoridad sa Mabini St. nang mapadaan sa lugar ang tricycle, sa halip huminto ay pinaharurot nito ang tricycle.

Hinabol siya ng PNP hanggang sa makarating sa bahagi ng M. Laserna kung saan tumaob ang tricycle.

Pagkataob ay sinubukan pa raw ng driver na si Leofe Mijarez na takasan ulit ang mga pulis.

Naisugod naman agad sa hospital ang mga pasahero.

Nakakulong naman sa Kalibo PNP ang suspek.##

- Archie Hilario, Energy FM Kalibo

KOLUROM NA TRICYCLE TUMAKAS SA POLICE CHECKPOINT, NADISGRASYA 3 PASAHERO NASUGATAN

Sugatan ang tatlong pasahero kasama ang isang taong gulang na bata matapos tumaob ang tricycle na ito.

Sa imbestigasyon ng traffic division ng Kalibo PNP nagsasagawa raw ng checkpoint ang mga otoridad sa Mabini St. nang mapadaan sa lugar ang tricycle, sa halip huminto ay pinaharurot nito ang tricycle.

Hinabol siya ng PNP hanggang sa makarating sa bahagi ng M. Laserna kung saan tumaob ang tricycle. Pagkataob ay sinubukan pa raw ng driver na si Leofe Mijarez na takasan ulit ang mga pulis.

Naisugod naman agad sa hospital ang mga pasahero.

Nakakulong naman sa Kalibo PNP ang suspek. | Archie Hilario, EFM Kalibo

Monday, June 25, 2018

MGA TAMBAY AT GALA SA KALIBO BINALAAN NG HEPE NG KAPULISAN

(exclusive) Nagbabala ngayon si PSupt. Richard Mepania na sa mga susunod na araw ay huhulihin na nila ang mga tambay sa Kalibo.

Ito ang pahayag ng hepe ng Kalibo PNP sa panayam ng Energy FM Kalibo Lunes ng hapon.

Sa ngayon aniya ay pinaaalalahanan lang muna nila ang mga makikita nilang gumagala o tumatambay sa kabiserang bayang ito.

Aniya, batayan niya rito ang Code of General Ordinances ng munisipyo kung saan nakasaad sa Article 4 ang pagbabawal na tumambay o gumala sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa lokal na batas, tumutukoy ang pampublikong lugar sa "streets, highways, parks, plazas, alley or sidewalk and such other places open to the public."

Narito ang mga regulated acts sa lokal na batas na ito:
*create or cause to be created a breach of the peace;
*create or cause to be created any disturbance or annoyance to the comfort and repose any person;
*obstruct the free passage of pedestrian or vehicles;
*interfere with the lawful activity of another person;
*create or cause to be created gang fights and/or gang violence;
*create or cause to be created destruction or vandalism of government properties; or
*create or cause to be created a haven for drug pushers and users.

Ang lalabag sa batas na ito ay posibleng pagmultahin ng Php500 o pagkakulong ng hindi bababa sa 30 araw o maaaring pareho alinsunod sa diskresyon ng korte.

Pinasiguro naman ni Mepania na hindi malalabag ang karapatang pantao ng bawat indibidwal sa ipapatupad nilang batas.

Kaugnay rito, payo ni Supt. Mepania na manatili nalang sila sa kanilang mga bahay kung wala namang lehitimong lakad. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Friday, June 15, 2018

MGA KABATAAN NAHULI NG PULIS KALIBO NA NAG-IINUMAN SA LABAS NG KLASE

Nahuli ng mga kapulisan ng Kalibo ang mga menor de edad na ito na nag-iinoman dakong ala-1:30 ng hapon sa Brgy. Andagao, Kalibo.

Kasama ng mga kapulisan ang social welfare ng munisipyo para pangaralan at gabayan ang mga nasabing bata.

Mababatid na mahigpit ngayong ipinatutupad ang Liquor Ban para sa mga menor de edad lalu na sa oras ng klase.

Ayon kay PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP nirerescue lamang nila ang mga bata at pinapatawan ng kaukulang multa ang mga establisyementong mahuhuling nagbebenta sa kanila ng inumin.