Showing posts with label New Washington PNP. Show all posts
Showing posts with label New Washington PNP. Show all posts

Tuesday, September 05, 2017

LOLO ARESTADO SA BAYAN NG NEW WASHINGTON SA KASONG RAPE

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang isang 75-anyos na lolo sa brgy. Mabilo, New Washington sa kasong rape.

Sa report ng pulisya, kinilala ang akusado na si Teofelo Andrade y De Pedro alias Ate, single, laborer, tubong brgy. Palay, Batan pero kasalukuyang nakatira sa brgy. Mabilo.

Nahaharap ang lalaki sa kasong paglabag sa paragraph 1, Article 266 o rape.

Nilabas ang warrant ng Regional Trial Court aa Kalibo laban sa akusado noon pang Pebrero 2013.
Walang itinakdang pyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ikinasa ang pag-aresto sa lolo ng pinagsamang pwersa ng New Washington at Batan PNP Lunes ng gabi.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Batan PNP station ang naturang akusado.

Tuesday, August 15, 2017

36 ANYOS NA LALAKI PATAY MATAPOS BARILIN SA BAYAN NG NEW WASHINGTON, SUSPEK ARESTADO

Patay ang isang 36-anyos na lalaki makaraang barilin sa so. Kamangahan, brgy. Tambak, New Washington pasado alas-6:00 kagabi.

Kinilala sa report ng New Washington PNP ang biktima na si Ruperto Marquez y Rasgo, residente ng nasabing lugar.

Sa pagresponde ng mga kapulisan sa lugar, positibong itinuro ng mga testigo ang suspek sa insidente na nakorner ng mga awtoridad sa kanyang compound.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Bautista y Francisco, 32-anyos, isang sekyu at residente ng parehong barangay.

Narekober ng mga kapulisan sa posisyon ng suspek ang isang .38 revolver at dalawang fire cartridge na nakuha sa kanilang compound.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan.

Agad na isinugod ng mga kapulisan ang biktima sa provincial hospital pero kalaunan ay binawian rin ng buhay habang ginagamot sa intensive care unit.

Pansamantala namang ikinulong sa New Washington PNP station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

BAHAY SA NEW WASHINGTON SINUNOG; SUSPEK SINAMPAHAN NG KASONG ARSON

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo


Sinampahan ng kasong arson ang lalaking ito dahil sa tangkang pagsunog sa isang bahay sa brgy. Tambak, New Washington.

Kinilala ang suspek sa pangalang Allan Fernadez na residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo sa kapatid ng suspek may problema raw sa pag-iisip ang suspek at hindi niya naman sinasadya ang panununog.

Sinindiham raw nito ang mga tuyong dahon sa bakanteng lote nga nagrereklamo hanggang sa kumalat ang apoy at nasunog ang bahagi ng bahay.

Mabilis na nakaresponde sa lugar ang BFP at naapula agad ang apoy.

Naisampa na ang kasong arson kahapon ng tanghali sa kabila ng pahayag ng pamilya na may deperensiya ito sa pag-iisip ay wala naman silang maipakitang dukumento sa piskalya.

Nasa Aklan Rehabilitation Center na ang suspek.

Thursday, August 03, 2017

3 BATA NABAGSAKAN NG PADER SA BRGY. CAWAYAN, NEW WASHINGTON, ISA PATAY

Patay ang isang 7-anyos na batang babae matapos mabagsakan ng konkretong pader sa brgy. Cawayan, New Washington kahapon ng hapon.

Sugatan rin ang dalawa pa niyang kalaro na kasabay na nabagsakan ng pader.

Kinilala ang biktima na si Ria Mae Francisco, residente ng nasabing lugar.

Kinilala naman ang dalawang iba pa na nasugatan na sina Ryza at kapatid na si Rizy Francisco, 6 anyos at 4 anyos.

Kakarating lang ng bata galing sa paaralan nang makipaglaro ito sa kanyang mga pinsan dakong alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa pamilya ng mga biktima lumapit umano ang tatlo sa nasabing pader at dahil sa hindi matibay ang pundasyon ay bumigay ito.

Ang pader ay bahagi umano ng bahay na nasira ng bagyong Yolanda.

Agad namang tumulong ang isang tiyo ng mga biktima para maalis ang tatlo sa bumagsak na pader.

Agad na isinugod ang tatlo sa provincial hospital pero dineklarang patay ang isa sa kanila matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo.

Hindi naman lubos matanggap ng single mother ng biktima ang nagyari lalu at nag-iisa niya itong anak.

Friday, July 28, 2017

53-ANYOS NA LALAKI NAGBARIL SA SARILI SA NEW WASHINTON PATAY

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Idineklarang dead on arrival ang lalaking ito matapos barilin ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Mabilo New Washington Aklan alas-9:00 pasado ng umaga.

Kinilala ang biktima sa Pangalang Rafael Mijarez, 53 anyos residente rin ng nabanggit na lugar. Nagtamo ng tama ng baril sa kanang bahagi ng ulo ang biktima.

Ayon kay P03 Peter Umitin imbestigador ng New Washington PNP Station. Kasama umano ng biktima sa bahay ang anak na babae bago maganap ang pagbaril.

Habang nasa loob ng CR si April Mijarez nakarinig ito ng isang putok na nagmula sa kwarto ng ama. Kaya mabilis itong lumabas ng CR at tinungo ang kwarto ng ama.

Doon na nakita ang duguang ama kaya agad itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay para maisugod ito sa ospital.

Samantala ibinigay naman ng pamilya sa pulisya ang ginamit na baril ng biktima kasama ang pitong bala ng caliber 45 at isang baril.

Maysakit raw sa baga ang biktima na posibleng naging dahilan ng pagsuicide.

Monday, July 17, 2017

FOREIGNER ARESTADO MATAPOS MABARIL ANG ISANG MENOR DE EDAD SA NEW WASHINGTON, AKLAN

Arestado ang isang 61-anyos na foreigner sa bayan ng New Washington makaraang mabaril ang isang 11-anyos na batang lalaki .

Kinilala ang suspek na si Lewis France Sanderson na isang American national at pansamantalang nakatira sa brgy. Fatima sanabing bayan.

Sa report ng New Washington PNP, nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang concerned citizen na may naganap na pamamaril sa nabanggit lugar.

Agad namang rumesponde ang mga kapulisan sa pangunguna ni PO2 Rolan De Mateo at agad na naaresto ang suspek.

Isinugod naman sa provincial hospital ang biktima na kinilalang si J-Mar Naplaza para malapatan ng kaukulang lunas.

Napag-alam na nangunguha lamang ng bunga ng Indian  mango ang bata kasama ang iba pa ng madaplisan siya ng bala ng baril sa kanyang kamay.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang intensiyon na barilin ng foreigner ang bata.

Posible anyang namamaril lang sa fishpond ang foreigner nang aksidenteng madaplisan ng bala ng sinasabing airsoft gun ang menor de edad.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang foreigner sa New Washington PNP station habang umuusad pa ang imbestigasyon sa nangyari.  

Thursday, June 29, 2017

EMPLEYADO NG LGU NEW WASHINGTON, ARESTADO SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL

Arestado ang isang empleyado ng munisipyo ng New Washington matapos itong magpaputok ng baril.

Kinilala ang suspek na si Ladie Magalit, 40 anyos, residente ng brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na report, hinuli ng mga kapulisan ang suspek matapos na magpaputok ng baril sa kanilang lugar.

Naabutan pa ng mga rumespondeng pulis ang lalaki na itinapon ang kanyang ginamit na baril.

Narekober sa lugar ang isang revolver na walang serial number at limang empty fired catridges.

Nabatid na lasing ang nasabing suspek nang magawa niya ang pagpapaputok ng baril.

Ang suspek ay nasa kostudiya na ng New Washington municipal police station at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.