Showing posts with label LGU Malay. Show all posts
Showing posts with label LGU Malay. Show all posts
Monday, July 01, 2019
Bautista, Cawaling parehong nakaupong mayor sa Malay
MALAY, AKLAN - Pormal nang nanumpa si Vice-Mayor Fromy Bautista bilang acting mayor ng Malay ngayong umaga.
Sa kabilang banda, sinabi ni Mayor Ceciron Cawaling na hindi siya bababa sa pwesto.
Mababatid na ngayong umaga ay isinerbe personal ni Municipal Local Government Operation Officer Mark Delos Reyes ang advisory mula Department of Interior and Local Government 6 na nagpipigil kay Cawaling na umupo bilang alkalde.
Sa isang media interview, sinabi ni Cawaling na lahat ng official function ay ipapaubaya naman niya kay Bautista pero mananatili umano siya sa kanyang tanggapan dahil inihalal siy ng taumbayan.
Matatandaan na idinismis sa serbisyo ang alkalde noong nakaraang termino dahil sa mga kasong kinahaharap niya kaugnay sa krisis sa Isla ng Boracay.
Sa kabila nito nakapaghain siya ng kandidatura at pinayagang tumakbo at muling inihalal ng taumbayan bilang alkalde.
Naniniwala si Cawaling na hindi pa final ang desisyon sa kanyang kaso dahil mayroon pa siyang inihaing Motion for Reconsideration sa Ombudsman.
Ayon naman kay Bautista, temporaryo lamang ang kanyang pag-upo at walang problema sa kanya kung hindi bababa sa pwesto si Cawaling.
Sinabi ni bagong sumpang Acting Mayor Bautista na ang number 1 Sangguniang Bayan member na si NiƱo Cawaling naman ang pansamantalang hahalili sa kanyang pwesto bilang bise alkalde.
Si Cawaling at Bautista ay magkasamang tumakbo bilang isang grupo noong nakaraang eleksyon.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Sunday, June 30, 2019
DILG advisory: hindi pauupuin si Cawaling bilang alkalde ng Malay
![]() |
| file photo |
Naglabas ng Advisory ang DILG 6 na hindi muna pauupoin si Malay Mayor-elect Ceciron Cawaling kaugnay ng kanyang dismissal order sa pwesto bilang alkalde ng Malay.
Mababatid na noong Abril 15, 2019 ay nagbaba ng desisyon ang Ombudsman na i-dismiss si Cawaling bilang alkale dahil sa kapabayaan umano sa Isla ng Boracay.
Naghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ng alkalde pero wala pang resulta. Sa kabila nito, nanalo si Cawaling sa katatapos lang na eleksyon.
Kaugnay rito, sinabi ng DILG 6 sa advisory nitong Hunyo 27 na dapat ay temporaryo munang ibakante ang tanggapan ng alkalde.
Ayon pa sa advisory ang uupong alkalde ay ang bise-alkalde, at ang pinakamataas na opisyal ng Sangguniang Bayan member ang uupo naman sa pwesto ng bise-alkalde.
Sa nakalap na impormasyon ng Energy FM Kalibo, wala pang natanggap na advisory si Cawaling at itutuloy umano ng kanyang kampo ang inagurasyon ngayong araw.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
Saturday, June 30, 2018
3 PAWIKAN PINAKAWALAN SA BORACAY SA GITNA NG REHABILITASYON
Tatlong juvenile hawksbill turtles (eretmochelys imbricata) o uri ng pawikan ang pinakawalan pabalik sa kanilang natural habitat umaga ng Biyernes sa Station 1 sa Isla ng Boracay.Ang mga highly endangered species na mga sea turtles na ito ay narescue umano noong March 9, 10 at 12.
Ang rehabilitation effort na ito ay naging posible sa pamamagitan ng by Environmental Management Services Unit ng pamahalaang lokal ng Malay.
Tuesday, June 26, 2018
ZERO-PLASTIC WASTE TARGET NG MALAY
Isang Memorandum ang inilabas ni Malay Mayor Ceciron Cawaling sa lahat ng departamento ng lokal na pamahalaan na nanawagan na iwasan ang paggamit ng mga plastic materials sa mga meetings, sessions, mga pagtitipon, at iba pang pagdiriwang.Kaugnay ito ng kampanya ng LGU na mabawasan at maalis ang polusyon sa plastic sa buong bayan kabilang na ang Isla ng Boracay.
Friday, March 23, 2018
DEMOLITION TEAM NG LGU INIREKLAMO NG PAGNANAKAW SA RESORT NA GINIGIBA SA BORACAY
Inireklamo ng isang resort sa Boracay ang demolition team at miyembro ng auxiliary police ng pamahalaang lokal ng Malay ng pagnanakaw.Ito ang mga larawang kuha ni Ben Mobo, manager ng kontrobersyal na Boracay West Cove resort, matapos umanong pasukin at pagnakawan ang ilang bahagi sa resort.
Ayon kay Mobo, nagkasundo umano sila at ang LGU Malay sa pangunguna ni Rowen Aguirre, municipal administrator, na huwag pasukin ang mga bahaging ito habang nagsasagawa ng demolition.
Marso 20 nang simulang gibain ng demolition team ng LGU ang mga temporary structures ng resort dahil wala itong business permit.
Pero laking gulat umano ng ilang empleyado ng resort nang datnan nila kinabukasan na nagkalat na ang ilang gamit nila at nawawala na ang iba rito.
Sinira rin umano ang dalawang safety box ng resort. Hindi naman nabanggit ng manager kung may natangay na pera rito.
Inireklamo na ni Mobo ang insidente sa police station sa Boracay.
Wala pang inilalabas na pahayag ang pamahalaang lokal sa insidente.
Plano naman ng resort na magsampa ng kaukukang kaso hinggil dito.
Thursday, March 15, 2018
DENR: LOCAL OFFICIALS SA BORACAY BIGONG IPATUPAD ANG SEWERAGE ORDINANCE
Nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na mahigpit nilang ipinapatupad ang ordinansa na nag-aatas sa lahat ng mga residente at mga establisyimento sa Boracay Island na kumunekta sa isang sewerage system.Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, taong 2012 pa ay mayroong Ordinance 307 ang Malay Local Government pero hindi naman ito naipatutupad.
Sa ilalim ng nasabing ordinansa, ang mga residente at establisyimento na may layong 61 meters mula sa sewerage pipes ay dapat nakakonekta sa sewerage treatment plants at septic tanks.
Ayon kay Cimatu, sa kabila ng umiiral na ordinansa, napabayaan ang Boracay dahil sa dumi na naitatapon sa nasabing tourist spot.
Lumilitaw na 195 sa 578 business customers ng Boracay Island Water Corp. ang hindi hindi nakakonekta sa sewerage infrastructure ng isla.
Habang limang porsiento lamang ng kabuuang 4,331 ng residential customers nito ang konektado sa sewerage infrastructure. - Radyo Inquirer
“BORACAY” HINDI DAPAT GAMITIN KAPAG IDINEKLARA ANG STATE OF CALAMITY SA ISLA
Umaapela ang lokal na pamahalaan ng Malay na huwag gamitin ang pangalang Boracay sakaling isailalim man sa state of calamity ang isla.Isinusulong ng Sangguniang Bayan ng bayan ang isang resolusyon kaugnay nito.
Ayon kay Sangguniang Bayan Memer Neneth Graf, ito ay para maiwasan ang posibleng masamang epekto sa turismo ng Boracay.
Sa halip, iminungkahi ni Graf na gamitin ang pangalan ng mga barangay ng Balabag, Manocmanoc at Yapak na makatatanggap ng pondo kapag itinaas ang state of calamity.
Ayon kay Graf, ilan sa mga nakitaan ng mga paglabag sa batas-kalikasan ang D’Mall sa Barangay Balabag, Crown Regency Convention Center sa Barangay Manocmanoc, at 7 Seas sa Barangay Yapak. - Radyo INQUIRER
Wednesday, March 14, 2018
KONTROBERSYAL NA BORACAY WEST COVE IPINASARA NA NG LGU
![]() |
| photos (c) LGU Malay |
Ayon naman sa abogado ng resort, iligal umano ang pagpapasara nila dahil may nakabinbin pa silang kaso sa korte hinggil sa unang pagpapasara ng munisipyo sa parehong paglabag.
Kinatwiran pa nila na hindi sila binigyan ng munisipyo ng permit.
Ayon kay Cris Aquino, may-ari ng West Cove, pinipersonal na umano siya ng LGU.
Nakatakda namang maglaba ng opisyal na pahayag ang lokal na pamahalaan ngayong araw hinggil sa abrupt closure ng nasabing resort. / Darwin Tapayan, EFM Kalibo
Wednesday, March 07, 2018
MGA ESTABLISYIMENTO SA BORACAY BOLUNTARYONG TINANGGAL ANG KANILANG MGA STALLS
Nagsimula na ang ilang mga store-owners sa Puka Beach sa isla ng Boracay na mag-self demolish ng kanilang mga itinayong stalls.Mahigit 30 mga establisyimento sa nasabing lugar ang inisyuhan ng lokal na pamahalaan ng Malay ng paglabag sa easement rules at sanitary regulations.
Ayon kay Executive Assistant to the Mayor Rowen Aguirre, pawang nakatayo sa no-build zone ang mga stalls. Bukod pa dito, wala ring health card ang mga nagtitinda ng pagkain at wala ring septic tank at proper disposal system ang mga establisyimento.
Karamihan sa mga may-ari ng mga illegal stalls ay mga residente rin ng Boracay.
Bagaman handa silang sumunod sa mga otoridad ay humihingi naman sila ng tulong sa pamahalaan na bigyan sila ng ibang ikabuubuhay.
Samantala, nakatakdang bumalik sa isla ngayong linggo si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu para naman inspeksyunin ang mga wetland na tinatayuan rin ng iba’t ibang mga establisyimento.
Sa record ng DENR, mayroong 11 mga wetland sa Boracay at 7 dito ang na-reclaim na at tinayuan na ng mga istraktura. - Radyo INQUIRER
LGU MALAY NANAWAGAN NG SELF-DEMOLITION SA MGA PUBLIC ACCESS SA BORACAY
Nanawagan ngayon si Malay Mayor Ceciron Cawaling ng self-demolition sa mga establisyemento na nakakasagabal sa publiko."Kayo po ay hinihikayat ko na magsagawa ng self-demolition para sa inyong mga establisyemento na nasa sidewalks, road right of ways, at beaches," panawagan ng alkalde.
Ilan sa mga nabanggit niyang lugar na kailangan magsagawa ng self-demolition ay "Puka Beach, Tulubhan, Long Beach, Kandingon, Tambisaan, Diniwid, Balinghai, Bolabog, Malabunot, at Manocmanoc Proper Beach."
"Nais ko rin pong ipaalam sa inyo na magsasagawa ang LGU Malay ng demolisyon sa araw ng Miyerkules, ika-pito ng Marso 2018," dagdag pa ni Cawaling.
Paliwanag niya, ang boluntaryong self-demolition ay magpapabilis sa paglilinis ng Boracay.
Sinabi rin niya na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang isla sa loob ng anim na buwan.
Samantala, sa news release ng Aklan Police Provincial Office, nagsasagawa ngayon ng on-site inspeksyon sa isla ang mga star-ranking official ng kapulisan. - Darwin Tapayan, EFM Kalibo
Tuesday, February 20, 2018
PAMAHALAANG LOKAL NG MALAY NAGLABAS NA NG PAHAYAG TUNGKOL SA KRISIS SA BORACAY
Naglabas na ng opisyal na pahayag araw ng Lunes ang pamahalaang lokal ng Malay tungkol sa krisis na kinakaharap ng isla ng Boracay.Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte mahigit isang linggo na ang nakalilipas na ipapasara niya ang tourist spot kapag hindi nalutas ang suliranin sa dumi at basura.
Hindi naman itinanggi ng pamahalaang lokal ang problemang ito. Tanggap rin umano nila ang 'constructive criticism' ng pangulo sa isla kabilang na ang pagtawag nya rito na 'tapunan ng basura'.
Bago paman umano ang hamon ng Pangulo, kumilos na ang pamahalaang lokal sa paglilinis ng tambakan ng basura dito at striktong pagpapatupad ng batas sa pagtatayo ng mga gusali.
Samantala, nagpahayag naman ng pagkondena ang pamahalaang lokal sa larawang ginamit ng Abs-cbn at ng GMA sa kanilang report.
Paliwanag nila, 'recycled' umano ang mga larawang ginamit kung saan ang baybayin ng Boracay ay puno ng lumot na nangyayari lamang kapag summer.
Sa kabila nito, pinasiguro ng Malay na makikipagtulungan sila sa pamahalaang nasyonal upang malinis ang Boracay sa loob ng anim na buwan.
Narito ang buong pahayag: http://www.malay.gov.ph/index.php/211-official-statement
Friday, August 18, 2017
‘OPLAN HAWAN’ SA FRONT BEACH SA ISLA NG BORACAY MULING UMARANGKADA
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
![]() |
| photo (c) LGU Malay |
Umaarangkada ngayon sa isla ng Boracay ang “Oplan Hawan” clearing operation laban sa mga illegal vendors, commissioners, at mga illegal structures sa front beach.
Ayon kay PSInsp. Mark Anthony Gesulga, hepe ng Boracay Tourist Assistance Center, ang tuluy-tuloy na operasyon ay para mapanatili ang magandang imahe ng world-known tourist destination sa mga turista.
Paliwanag niya, ang aksyon ay kasunod ng ilang reklamo ng ilang mga turista laban sa mga commissioner na hindi sumisipot sa mga itinakdang oras sa mga binayarang aktibidad.
Sinisira rin umano nila ang mga iligal na istraktura na humaharang sa mga daanan at kinukumpiska ang mga paninda ng mga ambulant vendor para walang maging sagabal sa mga turista.
Pinasiguro naman niya na tuluy-tuloy ang gagawin nilang random operation at profiling sa mga mahuhuling lumalabag para sa mas mabigat na multa kapag muling nahuli.
Ang task force ay binubuo ng pulisya, lokal na pamahalaan ng Malay, army, coastguard, auxialiary police at iba pa.
Ang task force ay binubuo ng pulisya, lokal na pamahalaan ng Malay, army, coastguard, auxialiary police at iba pa.
Nanawagan naman siya sa mga apektado ng koordinasyon at pag-intindi para sa ikabubuti at ikakaganda ng Boracay.
Wednesday, August 09, 2017
BORACAY NAKIISA SA PAGDIRIWANG IKA-50 TAON NG ASEAN; 6-FOOT LANTERN INILAWAN
![]() |
| photo (c) Desiree Segovia |
Inilawan kagabi sa isla ng Boracay ang six-foot fiberglass lantern bilang isa sa mga landmark ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang pagpapailaw sa lantern sa plaza ng brgy. Balabag sa nasabing isla ay pinangasiwaan ng Malay Municipal Tourism Office.
Dumalo sa naturang aktibidad ang ilang lokal na opisyal, mga kinatawan ng iba-ibang ahensiya ng pamahalaan at mga nagboluntaryo sa ASEAN meeting sa Boracay.
Ang Boracay ay isa sa 50 mga lugar sa Pilipinas na nagkaroon ng iconic ASEAN landmarks sa pagsisilbing isa sa mga venue ng mga regional bloc's meetings at mga aktibidad.
Ang isla ay naghost ng dalawang ASEAN meeting kabilang na ang 23rd meeting ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights (AICHR) mula Pebrero 13 hanggang 15 at Foreign Ministers Retreat mula Pebrero 19 hanggang 21.
Ang landmark lighting ay isa sa mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-50 taon ng ASEAN kung saan ang pagpapailaw ay sabay-sabay na isinagawa alas-7:00 ng gabi sa 50 mga lugar sa buong bansa.
Ang makulay na lantern na may 80 incandescent bulb na may 10-watt at logo ng ASEAN ay mananatiling nakailaw hanggang sa Nobyembre ngayong taon.
Tuesday, August 08, 2017
MONITORING SA MGA ILIGAL NA SEWAGE LINE SA BORACAY, NAGPAPATULOY
![]() |
| photo (c) LGU Malay file |
Patuloy ngayo ang ginagawang monitoring ng pamahalaang lokal ng Malay sa mga iligal na kumokonekta sa storm drainage sa Boracay.
Katunayan bumuo na ang LGU Malay ng Bulabog Task Force para magsagawa ng clearing operation sa drainage sa nasabing isla.
Ayon kay Rowen Aguirre, executive assistant ng LGU-Malay, layunin ng operasyon na matumbok ang mga business at residential area na iligal na kinokonekta ang kanilang sewage line sa drainage.
Sinabi ni Aguirre na ilang mga lumabag na ang napatapawan ng penalidad ng pamahalaang lokal simula ng clearing operation noong Hulyo.
Nabatid na ang drainage line ay binuksan na sa main road sa Station 1 at magpapatuloy pa umano hanggang Station 2 at 3.
Ipinagbabawal sa ordinansa ng Malay blg. 307 ang paglalabas ng wastewater at sewage sa paligid ng isla at maging sa drainage system nito.
Maliban sa kaukulang penalidad na ipapataw ng lokal na batas, posible ring mapatawan sila ng penalidad mula sa Department of Environment and Natural Resources. (PNA)
MGA ESTABLISYEMENTONG LUMALABAG SA BORACAY IPAPASARA NG PAMAHALAANG LOKAL
![]() |
| photo (c) LGU Malay file |
Muling aarangkada ngayong buwan ang pamahalaang lokal ng Malay sa pagpapasara ng mga lumalabag na establisyemento komersyal sa isla ng Boracay.
Ayon kay Rowen Aguirre, executive assistant IV ng LGU Malay, simula noong Hunyo, 20 mga establisyemento na ang napasara ng pamahalaang lokal.
Karamihan umano sa mga lumabag na ito ay hindi nakakuha ng mayor’s permit samantalang ang iba ay hindi sumusunod sa mga lokal na ordenansa.
Gayunman nilinaw ni Aguirre na ang mga establisyementong ito ay nakabalik na sa kanilang operasyon matapos ma-comply ang mga kaukulang dokumento at multa.
Sa susunod na buwan ay mag-iinspeksyon ang pamahalaang lokal sa mga establisyemento sa Boracay para masigurong sumusunod ang mga ito sa batas.
Paliwanag ni Aguirre, layunin ng hakbang na ito mapaganda ang imahe ng mga negosyo sa isla at mapanatiling lehitimo ang kanilang operasyon. (PNA)
Monday, August 07, 2017
DATING KONSEHAL NG MALAY, KALABOSO SA PAGTUTULAK NG DROGA
Arestado sa isang buy bust operation ang dating konsehal ng Malay at ngayon ay empleyado ng lokal na pamahalaan ng bayan.
Ayon kay PCInsp. Frenzy Andrade, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) - Aklan, kinilala ang naaresto na si Leny SacapaƱo, 39-anyos at administrative assistant for transportation ng LGU Malay.
Nakuha mula sa suspek sa buy bust operation ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Narekober naman sa ginawang body search ang lima pang sachet ng parehong sangkap, buy bust money at pera na nakuha sa kanyang bag na nasa mahigit Php100,000.00.
Si SacapaƱo ay kasama sa listahan ng mga high value target ng mga kapulisan at dati nang nagsurender sa Malay PNP noong nakaraang taon.
Pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang nasabing operasyon.
Dinala ang suspek sa Kalibo municipal police station kung saan siya pansamantalang nakakulong ngayon habang inihahanda na ang kasong isasampa sa kanya.
Posibleng maharap ang suspek sa kasong paglabag sa sec. 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MGA KOREANO NAUNGUSAN NA NG MGA CHINESE SA BILANG NG TOURIST ARRIVAL SA BORACAY
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Naungusan na ng mga Chinese ang noon ay nangunguna sa bilang ng mga tourist arrival sa isla ng Boracay na mga Koreano.
Base sa record ng Malay Tourism Office, nakapagtala ang Chinese ng mahigit 33,600 bilang ng tourist arrival sa buwan ng Hulyo.
Sa parehong buwan, pangalawa lamang ang mga Koreano sa listahan sa bilang na mahigit 28,500.
Sa katapusan ng buwan ng Hulyo, nakapagtala na ang Boracay ng kabuuang 1,260,958 mula Enero ngayong taon.
Sa parehong period, nabatid na ang Boracay ay nakapagtala lamang ng 1,126,755 tourist arrival o 12 porsyentong pagtaas ngayong taon.
Sa kabila ng habagat season na nararanasan ngayon sa isla, umaasa ang tourism office na marami parin ang mga turistang darating da Boracay dahil kahit rainy season ay hindi nawawalan ng mga aktibidad ang isla.
Kumpyansa naman sila na maabot ang 1.7 milyon na tourist arrival sa taong ito.
Una nang sinabi ni Kristoffer Leo Vallete ng Departm ent of Tourism –Boracay na ang pagtaas ng mga Chinese tourist sa Boracay ay dala ng bumubuting relasyon ng pamahalaang Tsina at Pilipinas. (PNA)
Naungusan na ng mga Chinese ang noon ay nangunguna sa bilang ng mga tourist arrival sa isla ng Boracay na mga Koreano.Base sa record ng Malay Tourism Office, nakapagtala ang Chinese ng mahigit 33,600 bilang ng tourist arrival sa buwan ng Hulyo.
Sa parehong buwan, pangalawa lamang ang mga Koreano sa listahan sa bilang na mahigit 28,500.
Sa katapusan ng buwan ng Hulyo, nakapagtala na ang Boracay ng kabuuang 1,260,958 mula Enero ngayong taon.
Sa parehong period, nabatid na ang Boracay ay nakapagtala lamang ng 1,126,755 tourist arrival o 12 porsyentong pagtaas ngayong taon.
Sa kabila ng habagat season na nararanasan ngayon sa isla, umaasa ang tourism office na marami parin ang mga turistang darating da Boracay dahil kahit rainy season ay hindi nawawalan ng mga aktibidad ang isla.
Kumpyansa naman sila na maabot ang 1.7 milyon na tourist arrival sa taong ito.
Una nang sinabi ni Kristoffer Leo Vallete ng Departm ent of Tourism –Boracay na ang pagtaas ng mga Chinese tourist sa Boracay ay dala ng bumubuting relasyon ng pamahalaang Tsina at Pilipinas. (PNA)
Friday, August 04, 2017
MANAGER NG BORACAY AIRPORT DINEKLARANG PERSONA NON GRATA NG SB MALAY
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
![]() |
| photo (c) phtourguide |
Dineklarang persona non grata ng Sangguniang Bayan ng Malay ang manager ng Boracay Airport na si Felix Lizares Jr.
Ito ay matapos sang-ayunan ng Sanggunian sa kanilang regular session ang resolusyon blg. 083 kaugnay rito.
Ayon kay SB member Fromy Bautista, nag-ugat ito sa aniya kawalan ng respeto ng manager sa mga opisyal ng pamahalaang lokal.
Paliwanag ni Bautista, nasa apat na pagkakataon umano nilang inimbitahan ang manager na humarap sa konseho pero hindi ito sumisipot.
Wala rin umano itong pinapadalang sulat sa Sanggunian para ipaliwanag ang kanyang hindi pagsipot o kahit magpadala manlang ng kinatawan.
Nais lamang umano ng konseho na mabigyang linaw ang ilang mga problema sa airport kabilang na ang kawalan ng tourism office sa kanilang arrival area.
Sa kabila nito ay sinikap naman umano ng LGU Malay na matugunan o mabigyang solusyon ang mga problema sa airport na nakakaabot sa kanilang tanggapan.
Nangangahulugan ang deklarasyong ito na hindi na "welcome" o "acceptable" ang nabanggit na tao sa bayan ng Malay.
Ayon kay Bautista, maaalisan na ng mga pribilehiyo sa bayan ng Malay si Lizares o posible ring magdiin sa kanya para matanggal siya sa posisyon.
Nanindigan naman ang lokal na mambabatas na ginawa lamang ng Sanggunian ang nararapat para sa kapakanan ng taumbayan.
Tuesday, August 01, 2017
ALKALDE NG MALAY NANAWAGAN NG KOOPERASYON SA TAUMABAYAN SA PAGLUTAS NG SULIRANIN SA BORACAY
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
![]() |
| LGU Malay photo |
Nanawagan si Malay mayor Ceciron Cawaling ng kooperasyon ng
taumbayan para malutas ang suliranin sa basura lalo na sa isla ng Boracay.
Ayon sa alkalde, ang bawat isa ay maaring makatulong kagaya
ng simpleng pag-iwas sa paggamit ng plastic straws, pagdala ng refillable water
bottles, pag-iwas sa paggamit ng mga sachet at iba pa.
Nanawagan rin siya sa mga business owner na simulan ang
paggamit ng mga eco-friendly packaging sa kanilang mga produkto.
Aminado ang opisyal na dahil sa lumalagong populasyon at
turismo sa isla ng Boracay at sa buong Malay ay kasabay rin nito ang mabilis na
paglaki ng basura.
Matatandaan na nitong nakalipas na buwan ay tuluyan nang
nalinis ng lokal na pamahalaan ang inirereklamong tambakan ng basura sa
Manoc-manoc, Boracay kasunod ng ibinigay na ultimatum ng Departmet of
Environment and Natural Resources.
Ang mga basura sa Boracay ay dinadala na ngayon sa tambakan
ng basura sa mainland.
Umaasa ang alkalde sa patuloy na suporta ng mamamayan.
Pinasiguro naman niya na ang pamahalaang lokal ay hindi titigil sa paglutas sa
naturang suliranin.
Tuesday, July 25, 2017
CLEARING NG GUBAT SA BORACAY INIIMBESTIGAHAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG MALAY
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
I-imbestigahan ng Sangguniang Bayan ng Malay ang kontrobersyal na clearing ng protected area sa brgy. Yapak sa isla ng Boracay.
Sinabi ni SB member Fromy Bautista sa programang “Prangkahan”, ipapatawag nila ang mga kinauukulan para sa isang pagdinig.
Naniniwala ang lokal na mambabatas na may maimpluwensiyang tao sa likod ng nasabing isyu.
Ayon kay Bautista, nais umano nilang usisain kung may mga kaukulang permit ang developer para gawin ang pagbulldoze dito.
Samantala, ayon kay Rowen Aguirre, executive assistant sa tanggapan ng alkalde, pinahinto na umano nila ang mga susunod pang hakbang ng developer sa nasabing lugar.
Ayon pa kay Aguirre, wala umano siyang natanggap ng mga kaukulang dokumento hinggil sa pagkilos ng developer.
Napag-alaman na ang lugar ay nabili ng isang pribadong kompanya na pagmamay-ari ni Lucio Tan.
Nabatid rin na may kasunduan sa lokal na pamahalaan ng Malay ang kompanya na ang hilagang bahagi ng gubat ay isang no-building zone.
Ang gubat na ito sa may Puka Beach ay pinaninirahan ng mga paniki na ang kanilang uri ay nanganganib nang maubos.
Subscribe to:
Posts (Atom)








