Wednesday, July 26, 2017

PARAW SA BORACAY, LUMUBOG SAKAY ANG 6 MGA CHINESE NATIONAL


Lumubog ang isang Paraw sakay ang anim na mga Chinese national sa baybaying sakop ng isla ng Boracay kahapon dakong alas-4:00 ng hapon.


Ayon kay SN2 Lanto Maulana, ng Philippine Coastguard Boracay, nabali umano ang katig ng nasabing bangka dala ng malakas na hangin at alon kaya ito tumaob.

Agad namang nakaresponde ang mga taga-Coastguard para iligtas ang mga naturang turista.

Maswerte anyang hindi naman nalunod ang mga sakay rito dahil ilang metro lamang ang layo nito sa front beach ng isla.

Ayon pa kay Maulana, ipinagbabawal na ang paglalayag ng mga bangka sa front beach dahil narin sa habagat na nararanasan sa Boracay.

Dapat anya ang sa back beach lang ang mga water at iba pang sports activity sa isla.

Samantala, ayon sa Coastguard ang byahe ng mga pampasaherong bangka ay inilipat na sa Tabon-Tambisaan vice versa dahil sa habagat.

Bumibiyahe parin anya ang Oyster at Boracay Express ferry sa Caticlan-Cagban vice versa.

No comments:

Post a Comment