Showing posts with label Balete. Show all posts
Showing posts with label Balete. Show all posts

Wednesday, January 16, 2019

₱35,000.00 nakuha ng budol-budol sa pamilya ng OFW na taga Balete, Aklan

Dumulog sa himpilan ang pamilya ng isang OFW na nagtatrabaho sa Saudi para magsumbong tungkol sa modus ng scammer o budol budol.

Sa kwento ng complainant , may naging kaibigan raw sa facebook ang kanyang anak na nasa Saudi, bagamat hindi pa sila nagkita ng personal nanligaw raw ang nagpakilalang foreigner at magpapadala raw ito ng malaking halaga sa mga pamilya ng OFW.

Pinakita pa raw nito ang mga larawan ng mga gamit, alahas at malaking halaga raw ng pera na milyong piso ang halaga pagdating sa Pilipinas.

Inilagay na daw niya ito sa Box at ipinadala na sa Pilipinas sa nanay ng biktima.

Pagkalipas ng mga araw tumawag naman ang nagpakilalang taga Bureau of Custom at humingi raw ng ₱15,000.00. Agad naman na nagpadala ng pera ang mga biktima.

Pagkalipas ng ilang araw tumawag na naman ito at humingi ulit ng ₱20,000.00. Nangutang ulit ang mga biktima at pinadala sa suspek.

Pagkatapos ng ilang araw wala paring package na naideliver at tumawag na naman ang suspek at humihingi ng ₱37,000.00 para sa delivery raw.

Dito na nagduda ang tatay ng OFW at dumulog ito sa Energy fm.

Sunuri namin ang tracking number ng package sa website ng courier at walang makita.

Sinamahan rin namin ang mga ito sa Remittance center para makita ang larawan ng taong pinadalhan nila ng pera at kung taga saan ito. Ngunit ayon sa Remittance center kailangan nila ng police blotter at iba pang dukumento.

Kaya idinulog na namin sa Balete PNP ang kasong ito para matulungan ang mga biktima.
Nangako naman si Sp03 Dadivas na tutulungan nila ang mga biktima.##

- ulat ni Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Friday, July 28, 2017

PULIS NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG KANYANG BAHAY SA BAYAN NG BALETE

Patay na nang matagpuan ang isang pulis sa loob ng kanyang bahay sa brgy.Fulgencio, Balete kagabi.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Ferdinand De Mateo, at kasalukuyang nakadestino sa Aklan Public Safety Company.

Ayon sa report ng Balete PNP, dakong alas-6:00 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag na may naganap umanong suicide sa nabanggit na lugar.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at naabutan nilang nakabulagta sa sahig ang biktima at duguan. 

Hawak pa ng pulis ang issiued firearm at narekober din ang isang fire cartridge malapit sa kanyang katawan.

Kalaunan, nilinaw ng Balete PNP base sa kanilang imbestigasyon, namatay ang biktima dulot ng accidental firing at hindi nagbaril sa sarili kagaya nang unang impormasyon.

Pinabulaanan rin ng pulisya na may narekober na suicide note sa pinangyariha ng insidente taliwas sa mga kumakalat na report.

Nagtamo ng sugat ng pagbaril ang biktima sa kanan at kaliwang bahagi ng kanyang ulo.

Humingi naman ng privacy ang pamilya sa nangyari.

Wednesday, April 26, 2017

60-ANYOS NA LALAKI TINAGA NG PAMANGKIN SA BALETE, SUSPEK ARESTADO

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Tinaga ng pamangkin ang 60-anyos na uncle sa brgy. Calizo, Balete hapon ng Martes.

Kinilala ang biktima sa pangalang Rogelio De Pedro y Carpio, residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya magkasama umano pauwi sa kanilang baryo ang biktima at suspek na si Robert Dela Cruz y De Pedro, 29 anyos. 

Habang naglalakad ay bigla nalang raw hinugot ng suspek ang dala nitong gulok saka tinaga ang biktima. Nasugatan ito sa kaliwang kamay at kanang braso.

Ilan sa mga residente ang mabilis na nakatawag sa Balete Municipal PNP Station kaya naaresto agad ang suspek.

Samantala naisugod naman sa ospital ang biktima. 

Patuloy raw na mag-iimbestiga ang Balete PNP para matukoy ang motibo ng pananaga.