Tuesday, July 25, 2017

ITATAYONG JETTY PORT SA BRGY. YAPAK, BORACAY PINAG-AARALAN NA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Cagban Jetty Port
Pinag-aaralan na ngayon ng pamahalaang lokal ng Aklan ang pagtatayo ng panibagong jetty port sa isla ng Boracay.

Sinabi sa programang “Prangkahan” ni jetty port administrator Niven Maquirang, under study na ang nasabing proposal.

May nakikinita narin umano sila na pagtatayuan ng panibagong port.

Isinusulong ng port administrator ang pagtatayo ng port sa brgy. Yapak para anya maibsan ang siksikan sa port sa Cagban.

Makakatulong rin anya ito para matutukan pa ang seguridad sa kabilang bahaging ito ng isla.

Magsisilbi rin umano itong port para sa mga pribadong kompanya at resort.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Maquirang na walang kinalaman ang proposed project sa pagbulldoze ng gubat sa brgy. Yapak kamakailan.

Ang paglilinaw ng port administrator ay kasunod ng mga ispikulasyon ng ilan na ang clearing ay bahagi ng nakatdang pagtatayo ng port.

No comments:

Post a Comment