Showing posts with label Ibajay. Show all posts
Showing posts with label Ibajay. Show all posts

Monday, October 16, 2017

GURO SA IBAJAY NABENTAHAN NG PEKENG CELLPHONE SA HALAGANG PHP15K

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagreklamo sa tanggapan ng Ibajay municipal police station ang isang 39-anyos na guro matapos siyang mabentahan ng pekeng cellphone sa halagang Php15,000.

Sa report ng Ibajay PNP, nasa eskwelahan umano ang guro nang alukin siyang ng isang umano'y Chinese national na bilhin ang isang iphone 7 sa nabanggit na halaga.

Nakumbense umano ang guro (tumangging mapangalanan) at agad nagwithdraw ng pera sa bayan saka kinuha ang cellphone at binayaran ang suspek.

Nang usisain niya ang cellphone pagbalik sa eskwelahan ay doon palang umano niya nalaman na ito ay hindi totoong iphone 7.

Hindi naman nakuha ng biktima ang pagkakakilanlan ng suspek at maging ang contact information nito.

Nakikipag-ugnayan na umano ang Ibajay PNP sa iba pang police station sa probinsiya para matukoy ang suspek.

Nanawagan naman ang mga kapulisan sa ganitong uri ng modus na tila nagmamakaawang mga foriegn national para bilhin ang binibentang gadget.

Kamakailan lang ay naireport din ang mga ganitong kaso dito sa probinsiy ng Aklan.

Tuesday, July 25, 2017

2 YRS OLD NA BATA INIWAN NG AMA SA ABANDUNADONG RESTAURANT SA AQUINO, IBAJAY

Nasa pangangalaga na ng tiyahin ang batang lalaki na una nang inabanduna sa brgy. Aquino, Ibajay.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay SPO1 Nemie Alag, admin ng Ibajay PNP, ang 2 years old na bata ay sinundo na ng kanyang tiyahin.

Nabatid na unang nakita ang bata sa abandunadong restaurant dakong alas-11:30 ng umaga na inaakala na may hinihintay lang.

Ikinabahala naman ng mga tao sa lugar nang mapansin ito na naroroon parin bandang alas-3:00 ng hapon kaya inireport nila ito sa PNP.

Agad namang kinuha ng mga pulis ang bata at dinala sa district ospital dahil may mga rushes ito sa katawan.
Itinurn-over ito ng mga pulis sa Municipal Social Welfare and Development Office para pangalagaan
.
Kalaunan ay dumating din ang kanyang tiyahin at kinuha ang bata.

Nagpadala naman ng tulong pinansiyal, mga damit at pagkain ang mga pulis, MSWD, at iba pa sa magtiyahin na patungo na nang Maynila.

Napag-alaman na galing sa Capiz ang magtiya sakay ng bus at pagdating sa brgy. Aquino ay bumaba ang tiya para ibigay ang bata sa kanyang tatay.

Lingid sa kaalaman ng tiyahin at na pagkatapos niyang iwan ang bata sa ama ay iniwan niya rin ito doon.
Dumiretso ang tiya sa Caticlan, Malay dahil tatawid sana itong Maynila para magtrabaho.

Bumalik siya nang mapag-alaman ang nangyari sa bata bago paman siya tuluyang makasakay sa barko.

Nabatid ayon kay SPO1 Alag na patay narin ang nanay ng bata at ang tatay ay nakatira sa Mararison, Antique.

Sinubukan ng tiya na makontak ang tatay ng bata pero hindi na ito sumasagot.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang bata.

Tuesday, July 11, 2017

KAPITAN SA IBAJAY AKLAN ARESTADO SA PAGTUTULAK NG DROGA

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang punong barangay ng Aquino, Ibajay sa ginawang buybust operation ng mga kapulisan sa brgy. Poblacion sa nasabing bayan kahapon ng hapon.

Sa report ng Aklan Police Provicial Office, nabilhan ng isang sachet ng pinaghihinalaang droga si punong barangay Rodel Cambarihan, 44 anyos, kapalit ng Php1,000 buy bust money.

Nakuha rin sa ginawang body search ang apat pang sachet ng parehong sangkap.

Napag-alaman na dadalo sana ng pagpupulong sa munisipyo ng Ibajay si Cambarihan nang maganap ang nasabing operasyon sa public plaza.

Nabatid sa report ng Ibajay PNP station na ang nasabing opisyal ay una nang sumuko sa pulisya sa umano’y paggamit ng iligal na droga.

Mariin namang itinatanggi ni Cambarihan ang alegasyong tulak siya ng droga. Matagal na umano niyang iniwan ang kanyang bisyo.

Ang operasyon ay sinagawa ng Provincial Drug Enforcement Unit, Aklan Public Safety Company, Ibajay PNP station, at Philippine Drug Enforcement Agency 6.


Pansamantalang nakakulong ngayon ang punong barangay sa Kalibo PNP station habang hinahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa laban sa kanya.

Thursday, July 06, 2017

AKLAN PNP IKINABAHALA ANG SUNOD-SUNOD NA KASO NG RIDING-IN-TANDEM SA PROBINSIYA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Ikinabahala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang sunod-sunod na kaso ng riding-in-tandem sa probinsiya.

Sa isang press conference, sinabi ni PSSupt. Lope Manlapaz, direktor ng APPO, paiigtingin pa ng mga kapulisan ang seguridad at tutukan ang pagsawata ng mga nasabing kaso.

Nitong linggo lang tatlong kaso na nang riding-in-tandem ang naganap sa Aklan.

Nitong Lunes, patay nang pagbabarilin sa brgy. Odiong, Altavas ang drug surenderee na kinilalang si Jovanie Gervacio, residente ng brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Patuloy namang ginagamot sa ospital ang negosyanteng si Merlu Manokan makaraang pagbabarilin din sa loob ng kanilang bahay sa brgy. Aquino, Ibajay.

At ngayong Huwebes, tatlong tanod ang napatay at isa pang tanod ang sugatan matapos pagbabarilin din sa peryahan sa brgy. Camanci Norte, Numancia.

Ayon kay Manlapaz, bagaman naka-full-alert ngayon ang mga kapulisan nagkataon anya na ang mga nasabing insidente ay naganap malayo sa mga checkpoint sa mga nabanggit na lugar.

Aalamin rin anya nila kung iisang grupo lang ba ang mga suspek sa mga nasabing insidente.

Napag-alaman na simula nang maupo si Manlapaz bilang direktor ng Aklan PNP, limang kaso na nang riding-in-tandem ang naganap sa kanyang administrasyon.

Aminado naman siya na hirap parin sila sa pagtukoy sa mga suspek gayunman pinasiguro niya na hidi tumitigil ang mga kapulisan sa paglutas ng mga nasabing kaso.

Tuesday, July 04, 2017

LALAKING NANONOOD NG TV, BINARIL NG RIDING IN TANDEM SA IBAJAY

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Sugatan ang isang 44-anyos na lalaki matapos barilin ng riding in tandem bandang alas-8:24 kagabi sa brgy. Aquino, Ibajay.

Kinilala ang biktima sa pangalang Merlu Manokan, residente ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Ibajay PNP station, nakaupo umano ang biktima sa loob ng bahay ng pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sakay ng isang motorsiklo.

Ayon sa pulisya, narekober nila sa lugar ang apat na basiyo ng calibre .45.

Nakaconfine ngayon sa provincial hospital ang biktima matapos magtamo ng sugat ng pagbaril sa tiyan at daplis sa panga.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng nasabing pamamaril at ang pagkakakilalan ng mga suspek para sa posibleng pag-aresto sa kanila.

Monday, June 26, 2017

1 PATAY; 9 SUGATAN SA KARAMBOLA NG SASAKYAN SA SAN ISIDRO, IBAJAY

Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

photo (c) CTTO
Isa ang patay samantalang siyam ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng national highway sa brgy. San Isidro, Ibajay.

Kinilala ng Ibajay PNP station ang namatay na si Gelu Sumcad, 19 anyos at residente ng brgy. San Isidro driver ng motor sakay ang dalawang pasahero.

Ayon kay PO1 Jimmy Alcayde, umovertake umano si Sumcad dahilan para magkabanggaan ng kasalubong na motorsiklo na menamaneho ni Jerold Templonuevo, 32, ng Tabangka, Numancia, sakay ang tatlong pasahero.

Bumangga naman sa likod ng motorsiklo ni Templonuevo ang isa pang motor na menamaneho naman ni Joshua Castro, 18, ng Laguinbanwa, Numancia, sakay ang dalawang backrider.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima pero dineklarang dead on arrival sa Ibajay District Hospital si Sumcad matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo.

Hinihitay pa ng mga kapulisan ang disposisyon ng mga sangkot sa nasabing aksidente.




Thursday, June 15, 2017

3 PAMILYA MULA MARAWI CITY, NAGBAKWIT SA AKLAN

Kinumpirma ng Ibajay municipal police station sa Energy FM Kalibo na tatlong pamilya mula Marawi City ang lumikas sa brgy. Aquino, Ibajay sa kasagsagan ng bakbakan doon.

Sa panayam, sinabi ni PInsp. Jose Ituralde, hepe ng Ibajay PNP, dumating umano ang mga nasabing pamilya noon pang Mayo 28.

Ayon sa kanya, si Joy Macadaag, tubong Ibajay, ay nakapangasawa ng taga Marawi at naninirahan na roon kasama ang kanilang mga anak.

Bago paman ang pagsilklab ng bakbakan sa Marawi ay umuwi na si Joy sa Ibajay para dumalo nang alumi homecoming pero hindi na nakabalik sa Mindanao dahil sa nangyari.

Nagdesisyon na lang sila at ang kanyang pamilya na pansamantalang manirahan dito sa Aklan.

Dinala rin ng asawa ni Macadaag ang dalawa niyang kapatid kasama ang kanilang pamilya.

Ayon kay Ituralde, sumailalim sa profiling ang mga evacuees na ito at pinasigurong patuloy ang kanilang monitoring sa mga pamilyang ito.

Balak naman umano ng mga magpapamilya na bumalik sa Marawi kapag humupa na ang kaguluhan roon.