ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Naglabas na ng cease ang decease order ang Department of Environment and Natural Resources(DENR) sa development sa gubat ng brgy. Yapak sa isla ng Boracay.
Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Ivene Reyes, walang kaukulang permit ang kontraktor sa pagputol ng 70 punong kahoy at wala ring Environmental Compliance Certificate (ECC).
Kaugnay rito, pinagbabayad ng DENR ang kontraktor ng Php160,000 sa iligal na pagputol ng puno, pinagtatanim rin ng 1,7000 punong-kahoy at pinadodonate ang mga pinutol na puno.
Pinagmumulta rin sila ng Php50,000 dahil sa kakulangan ng ECC.
Ayon sa PENRO, epektibo parin ang cease and decease order hanggat hindi nababayaran ng kompanya ang kanilang paglabag.
Napag-alaman na ang walong ektaryang lugar ay nabili ng pribadong kompanya ng Mabuhay Maritime Express Transport Inc.
Sa kabila nito, napagkasunduan ng kompanya at ng DENR na na ang 3.2 hectares dito ay hindi pwedeng galawin.
Ang prinipreserbang lugar ay pinamamahayan ng mga fruit bat na ang kanilang uri ay nanganganib nang maubos.
No comments:
Post a Comment