Showing posts with label DRSTMH. Show all posts
Showing posts with label DRSTMH. Show all posts

Tuesday, July 09, 2019

13-anyos na estudyante natusok ng nail pusher sa maselang bahagi ng katawan sa eskwelahan sa Batan

photo: Kas Archie Hilario / Energy FM Kalibo
Nakabaon parin ang nail pusher sa maselang bahagi ng katawan ng 13-anyos na lalaking estudyante ng Angas Integrated School.

Natusok umano ang biktima matapos ilagay raw ng siyam na taong gulang na kaklase ang nail pusher sa upuan ng biktima.

Humingi naman ng tawad ang pamilya ng siyam na taong gulang na bata at nangako na tutulong sila sa pagpapagamot ng biktima.

Ayon naman sa pamunuan ng School mag-sasagawa pa raw sila ng imbestigasyon tungkol sa kung ano talaga ang nangyari.

Nakadakdang operahan ang biktima sa Aklan Provincial Hospital.##

- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Sunday, August 05, 2018

NANAY NAGREKLAMO SA PAGKAMATAY NG KANYANG SANGGOL SA PROVINCIAL HOSPITAL

"Kung pinakinggan lang sana nila ako na hindi ko na kaya baka nabuhay pa ang anak ko."

Naghihinagpis ang nanay na ito matapos mamatay ang kanyang sanggol sa Aklan Provincial Hospital.

Nitong nakalipas na araw ay magtungo raw sila sa Hospital dahil sumasakit na ang tiyan nito at manganak na raw siya.

Dumating raw sila ng 7:00 ng umaga at ipinasok siya sa delivery room bandang alas 7:30 ng umaga. Nanatili siya doon hanggang alas 10:00 at nagsabi na hindi niya na kaya na mag normal delivery.

Pero sinabihan raw siya na kayanin lang at sinabihan raw siya na iiri lang ng husto. Umabot raw ng alas dos ng hapon at di na talaga niya kaya. Nagsabi na raw ang doktor na mahina na ang heart beat ng bata kaya kilangan na na-i-CS ito.

Pagkatapos ng operasyon namatay raw ang bata.

Ito na sana ang ikalawang anak nila na babae. Naghihinagpis ang nanay sa nangyari. Ayon sa kanya kung naniwala lang sana agad raw ang mga doktor sa kanya na i-CS siya buhay anya ang kanilang anak. | Archie Hilario, EFM Kalibo

Wednesday, May 09, 2018

51 ANYOS MAGSASAKA NAGBIGTI SA NEW WASHINGTON DAHIL SA KAHIRAPAN

Kritikal ngayon ang lagay ng isang magsasaka matapos magbigti sa kanilang tahanan sa Brgy. Lawaan, New Washington.

Ayon sa misis, pagpasok nya ng banyo bumulaga sa kanya sa loob ang nakabitin na katawan ng kanyang 51-anyos na asawa.

Humingi ng tulong ang misis sa kapitbahay at agad na isinugod sa ospital ang biktima.

Dagdag pa ng asawa, posibleng dahil umano sa kahirapan kaya nagawa ng biktima ang tangkang pagpapakamatay.

Pitong taon na umanong nakakaranas ng iba't-ibang sakit ang kanyang mister at hindi na gaanong nakakapagtrabaho.

Merong apat na mga anak na binubuhay ang biktima at tanging pagsasaka ang ikinabubuhay ng pamilya.

Patuloy pang ginagamot sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital ang nasabing biktima.

Monday, October 02, 2017

1 KRITIKAL, 1 SUGATAN MATAPOS MADISGRASYA SA MOTORSIKLO SA DIVERSION ROAD NG LEZO

Kritikal ang driver ng isang motorsiklo, samantalang sugatan rin ang kanyang backrider matapos madisgrasya sa diversion road ng Lezo, Aklan Linggo ng gabi.

Kinilala ang driver sa pangalang Boyet Macaspac, 25-anyos na taga-Hagakhak, Makato, Aklan.

Nagtamo siya ng mga sugat sa ulo, at sa iba pang bahagi ng katawan. 

Samantala minor injury naman ang tinamo ng back rider na si James Jalaron, 20-anyos na residente ng nabanggit na lugar.

(Update as of 8:50 PM) Kinakailangan raw na ilagay sa ICU ang biktimang si Boyet ngunit walang bakante ang Provincial Hospital.

Tuesday, August 15, 2017

AWAY MAGKAPATID SA CAYANGWAN MAKATO AKLAN SA ASAWA SINISISI

Ulat ni Joefel P. Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Nakapanayam ng Energy FM Kalibo ang biktimang si Enrique Taborda, 40 anyos ng Cayangwan, Makato. 

Ayon sa biktima, dakong alas-9:00 ng gabi ng sumugod sa kanilang bahay ang lasing na nakababatang kapatid at nahahamon ng away. 

May dala umanong itak ang suspek at pilit na pumapasok sa bahay ng biktima. 

Nagdulot umano ito ng matinding takot sa pamilya ng biktima at agad itong kumaha ng itak (spading) para dipensahan ang pamilya. 

Ayon sa biktima nang hawakan nya ang itak (spading) aksidenteng sa talim nito tumama ang kanang kamay at ikinasugat ng kanyang daliri. 

Sinisisi ng biktima ang asawa ng suspek dahil di umano sa kadaldalan nito at hilig sa tsismis. Hindi na idinitalye pa ng biktima ang naging dahilan ng kanilang away. 

Dagdag pa ng biktima na nagkaroon na ng insidente ng pananaga na kinasangkutan din ng suspek at sariling kapatid din ang naging biktima. Balak na unamo nilang turuan ng leksyon sa pagkakataong ito ang kapatid na suspek. 

Nananatiling confine sa provincial hospital ang biktimang si Enrique Taborda.

AWAY MAGTIYOHIN NAUWI SA PANANAGA

Ulat ni Joefel P. Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Linggo ng hating-gabi nang naganap ang away ng magtiyohin sa Brgy. Cortes, Balete na nauwi sa pananaga at ikinasugat ng biktimang so Kasimanwang Ruel Dela Cruz pamangkin ng suspek.

Kwento ng biktima nagkaroon umano sila ng hindi pagkakaunawaan ng tiyohin at nauwi sa suntokan. 

Dagdag pa ng biktima na dehado diumano ang tiyohin sa suntokan dahilan upang kumuha into ng patalim (sanggot) at tinaga ang biktima na nagtamo ng dalawang sugat sa kaliwang braso. 

Confine sa provincial hospital ang biktimang si Ruel Dela Cruz.

DAHIL SA GAGAMBA BATA NAHULOG SA PUNO

Ulat ni Joefel P. Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Dakong alas 7 ng gabi lumabas ng bahay ang biktimang si John Paul Parinas, 11 anyos panganay sa apat na magkakapatid upang naghanap ng gagamba.

Ayon sa tiyahin ng biktima, gabi kung maghanap ng gagamba ang mga bata dahil mas madali nila itong mahanap dahil lumalabas ito sa pinagkukublian at gumagawa ng sapot upang mag trap ng pagkain.

Nakita umano ng biktima ang gagamba sa itaas ng puno ng Indian mango at agad niya itong inakyat. 

Aksidenteng nahulog ang biktima ng akma na nitong abotin ang gagamba. Tumama sa bakod na gawa sa kawayan ang biktima sa pagbagsak nito. 

Dagdag pa ng tiyahin na kahit ganun pa man ang nangyari ay swerte padin ng biktima at walang tulis ang bakod na binagsakan. Nabali umano ang bakod na tumama sa may likurang bahagi ng hita ng biktima. 

Inaantay pa ng pamilya ng biktima ang resulta ng XRAY upang malaman kung kailangan pa bang operahan bago tahiin ang sugat na nagtamo ng biktima.

Napag alaman din ng Energy FM Kalibo na ang ama ng biktima ay may karamdaman dahil nakaranas ito ng stroke at ang ina nito ang nagtataguyod sa kanilang pamilya na naglalabada sa gabi.

Wednesday, July 26, 2017

60 ANYOS NA BABAE, BINASTOS AT BINUGBOG NG 2 LALAKI SA BAYAN NG BANGA; BIKTIMA CONFINE SA OSPITAL

Patuloy na inoobserbahan sa provincial hospital ang isang 60 anyos makaraang bugbugin at bastusin sa brgy. Bacan, Banga.

Salaysay ng biktima sa panayam ng Energy FM Kalibo, dumalo umano siya ng beperas ng comple año nang maganap ang nasabing insidente.

Nakipag-inuman umano siya nang biglang dakmain ng isang kainumang lalaki ang pribadong bahagi ng kanyang katawan. 

Kinumpronta umano niya ang suspek na kinilala niyang si “Renie” pero pinunasan umano siya ng dumi ng baboy sa kanyang mukha, hinampas ng sandok sa ulo at sinuntok sa mukha.

Nanlaban umano ang biktimang babae at aksidenteng nabuhos ang nilulutong karne dahil sa nangyaring komosyon bagay na ikinagalit ng may-ari ng bahay na si “Jessie”.

Dito umano nila pinagtulungang bugbogin ang babae.

Nakatakbo umano siya pero itinulak rin siya sa irigasyon. Maswerte namang tinulungan siya ng isa pang lalaki at nakalayo sa mga suspek.

Kinabukasan pa bago nagtungo sa Banga police station ang babae para iparekord ang insidente.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nangyari.

Wednesday, July 12, 2017

PASYENTENG MAHIGIT ISANG BUWAN SA HOSPITAL NAKAUWI NA.

Ulat ni Joefel P. Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Walang mapagsidlan na kasiyahan ang naramdaman ng pasyenteng si kasimanwang Manuel Masagnay at ng kanyang pamilya sa kadahilanang makakauwi na ito ng kanilang bahay.

Isa at kalahating buwan na naka confine sa Provincial Hospital ang pasyente at hindi makalabas dahil sa malaking halaga ng kanilang hospital bill. Umabot sa Php144 thousand mahigit ang kanilang bayarin kung kayat namalagi ito sa nasabing hospital kahit pa nadischarge na ng kanyang attending physician.

Lumapit ang ina ng pasyente sa himpilan ng Energy FM Kalibo upang humingi ng tulong. Agarang aksyon ang sya namang tugon ng himpilang ito.

Martes alas-2:50 ng hapon matapos ang halos buong araw na pag-aasikaso ng mga dukomento at pakikipag-usap sa pamunuan ng hospital, tuluyan nang nakalabas at nakauwi ng bahay si kasimanwang Manuel Masagnay at muling nakasama ang kanyang pamilya.

Naging emosyonal dulot ng matinding kasiyahan ang pasyente at ang ina nito sa naging panayam ng Energy FM Kalibo. 

Nagpasalamat ang pamilya Masagnay sa positibong hakbang nina Dr. Paul Macahilas Chief of Hospital at Mr. Rex Robles Supervising Administrative Officer, gayundin sa mga taga Social Service at sa iba pang nagpaabot ng kanilang tulong pinansyal at panalangin.

Ang pasyenteng si kasimanwang Manuel Masagnay ay naging biktima ng pananaksak na nangyari sa bayan ng Kalibo na ikinasawi ng kaibigan nito at ikinasugat ng isa pa.

Makikita sa larawan si Kasimanwang Manuel Masagnay at ang ina nito habang naghahanda na sa kanilang pag-uwi.

Tuesday, July 04, 2017

LALAKING NANONOOD NG TV, BINARIL NG RIDING IN TANDEM SA IBAJAY

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Sugatan ang isang 44-anyos na lalaki matapos barilin ng riding in tandem bandang alas-8:24 kagabi sa brgy. Aquino, Ibajay.

Kinilala ang biktima sa pangalang Merlu Manokan, residente ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Ibajay PNP station, nakaupo umano ang biktima sa loob ng bahay ng pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sakay ng isang motorsiklo.

Ayon sa pulisya, narekober nila sa lugar ang apat na basiyo ng calibre .45.

Nakaconfine ngayon sa provincial hospital ang biktima matapos magtamo ng sugat ng pagbaril sa tiyan at daplis sa panga.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng nasabing pamamaril at ang pagkakakilalan ng mga suspek para sa posibleng pag-aresto sa kanila.

Thursday, June 01, 2017

PAGKAMATAY NG SANGGOL, INIREKLAMO NG INA SA PROV'L HOSPITAL

Nagreklamo sa pamunuan ng provincial hospital ang isang nanay matapos namatay ang kanyang sanggol dahil umano sa di wastong paghila ng doktor.

Bintang ng 26-anyos na ina, nakarinig umano siya ng pagkabali ng buto ng bata nang hilahin ito ng doktor mula sa kanyang sinapupunan.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay Dr. Paul Macahilas, hepe ng ospital, pinabulaanan niya ang nasabing akusasyon.

Katwiran umano ng doktor na nagpaanak, 24 oras nang patay ang sanggol bago pa ito lumabas sa sinapupunan ng ina.

Paliwanag umano ni Dr. Karen Magharing ng OB-GYN ng ospital, posibleng namatay ang bata dahil sa kawalan ng tubig at nagdumi na sa tiyan ng ina o intrauterine fetal death.

Nagkatuklap din umano ang balat ng bata sa leeg at pisngi dahil sa ito ay macerated na dahil sa matagal nang patay taliwas sa alegasyong dahil ito sa maling paghila.

Nangyari ito Mayo 28 at makaraan ang dalawang araw ay inilibing na ng pamilya ang babaeng sanggol.

Hindi parin matanggap ng ina na tubong Malay, Aklan ang pagkamatay ng kanyang sanggol kaya niya ito nirereklamo sa ospital.

Wednesday, May 31, 2017

DALAWANG LALAKI NAHULI SA PAGNANAKAW SA PROVINCAL HOSPITAL

ulat ni Archie Hilario / Joefel Magpusao, Enegy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang dalawang lalaki matapos magnakaw ng gasolina sa mga nakaparking na motorsiklo sa compound ng provincial hospital madaling araw kanina.

Nahuli ng mga gwardiya ang isang 14 anyos samantalang naaresto rin ng rumurundang pulis ang kanyang kasama.

Sa report ng Kalibo police station, kinilala ang suspek sa pangalang Benjie Bajado, 19 anyos, residente ng Sto. Niño Village, Poblacion, Kalibo.

Narekober sa dalawa ang isang plastic bottle na may lamang gasolina at isang 14 pulgadang kutsilyo.

Nakakulong na ang 19 anyos na suspek sa Kalibo PNP, samantalang nasa pangangalaga naman ng municipal social welfare and development office ang isa na tinuturing na Children in Conflict with the Law.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang nakatakas nilang kasama.

Wednesday, May 24, 2017

18 ANYOS NA LALAKI NAGSAKSAK NG SARILI SA BAYAN NG BATAN

Ulat ni Joefel Magpusao / Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Binawian ng buhay ang isang 18-anyos na lalaki makaraang saksakin ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa brgy. Lalab, Batan.

Sinabi ng ina ng binata sa panayam ng Energy FM Kalibo, nagsaksak umano sa tiyan ang anak na si Ricky Bartolome matapos tuksuhin siya ng kuya.

Ayon sa ina, gabi nitong Lunes, umuwi umano ng bahay ang binata kasama ang ama at kuya na nakainom.

Nagtampo umano ang binata at nagsaksak ng sarili matapos siyang tuksuhin ng kuya na kaya sila ginabi ng pag-uwi ay dahil sa nakatulog ito sa inuman.

Agad namang naisugod sa provincial hospital ang biktima at na-confine sa intensive care unit.

Matapos ang mahigit isang araw ay binawian rin ng buhay ang binata pasado alas-3:00 Miyerkules ng madaling araw sa naturang ospital.


Wednesday, May 17, 2017

FRONTLINE SERVICES SA MGA OSPITAL NAIS IPABUSISI NG SP-AKLAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nais ipabusisi ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang frontline services at process flow of procedure sa mga ospital na pagmamay-ari ng pamahalaang lokal ng Aklan.

Maliban rito, nakasaad rin sa parehong resolusyon na inihain nina SP member Nelson Santamaria, Lilian Tirol at Jay Tejada, na kasama rito ang iba pang tanggapan ng gobyerno lokal.

Ayon sa mga lokal na mambabatas, ito ay para sa updating purposes. Nais rin nilang siguraduhing ipinapatupad ang citizen’s charter ng Civil Service Commission sa lahat ng tanggapan  ng gobyerno.

Layunin ng citizen’s charter ang mabawasan ang mga transaction time at mga requirement sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ang resolusyong ito ay inihain kasunod ng isyu sa isang magpapatuling foreigner na pinagpasa-pasahan umano sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital bagay na pinabulaan naman ng pamunuan ng ospital.

Nanawagan ang mga miyembro ng Sanggunian na maging competent ang mga frontline personnel ng hospital na agad na makakatugon sa mga katangungan at pangangailangan ng mga kliyente o pasyente.

Wednesday, May 03, 2017

PAMUNUAN NG DRSTMH PINABULAANAN ANG ISYU SA FOREIGNER NA TINANGGIHANG MATULI

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pinabulaanan ng pamunuan ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang isyu na pinagpasa-pasahan at tinanggihang matuli sa provincial hospital ang isang 26-anyos na foreigner.
Ito ang pinanindigan ni Dr. Paul Macahilas, chief of hospital, sa pagdinig ng committ
ee on health sa Sangguniang Panlalawigan.

Nilinaw rin ni Macahilas kung bakit itinuro sa dental area ng hospital ang pasyente; naroon kasi ang doktor na posibleng mag-opera sa kanya. Pero dahil sa maraming pasyenteng nagpapacheck-up sa doktor ay itinuro siya sa trauma room sa emergency area.

Dahil sa hindi naman pang-emerhesiya ang kanyang sitwasyon ay inabisuhan nalang umano siyang bumalik pero dahil sa nagpupumilit ay maayos umano siyang sinabihan na pwede itong magpaopera sa pribadong ospital.

Ang tugon na ito ng pamunuan ng ospital ay kasunod ng concern na ipinaabot ng nasabing pasyente kay SP member Immanuel Sodusta bagay na ipinaabot naman niya sa konseho.

Kaugnay rito, nais ng komitiba na kung maaari ay mapabuti pa ang frontline service ng ospital para agarang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyente at para hindi na humaba pa ang proseso.

Tuesday, April 25, 2017

ISYU TUNGKOL SA TULI, MULING NAUNGKAT SA AKLAN SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Muling naungkat ang isyu sa session ng Aklan Sangguniang Panlalawigan tungkol sa isang lalaking foreigner na pinagpasa-pasahan at tinanggihan umanong matuli sa provincial hospital.

Matatandaan na sa mga nakalipas na sesyon ay ipinahayag ni SP member Noli Sodusta sa plenaryo ang reklamong ipinaabot sa kanya ng kakilalang foreigner na tinatayang nasa 26-anyos.

Pinabulaanan ni Sodusta ang pasaring ng mga kasama sa Sanggunian na gawa-gawa lamang niya ang isyu katunayan binasa pa niya ang text message ng nasabing lalaki.

Iginiit naman ni SP member Soviet Dela Cruz na dapat ay may basehan ang mga reklamong ito. Sinabi rin ni SP member Jay Tejada na dapat ay dadaan ito sa tamang proseso.

Ayon kay vice governor Reynaldo Quimpo, aalalamin lamang kung ano ang pamamaraang ipinapatupad ng ospital kaugnay ng pagtutuli at walang gagawing akusasyon o reklamo.


Ayon kay SP member Nelson Santamaria, committee chair on health, nakahanda naman siyang ipatawag ang pamunuan ng ospital para sa isang pagdinig.