Friday, July 28, 2017

59 KILONG PAWIKAN NAHULI SA NETING SA BAYBAYIN NG CAMANCI NORTE, NUMANCIA

Nahuli ang isang 59 kilong pawikan sa netting sa baybaying sakop ng brgy. Camanci Norte, Numancia.

Ayon kay Philippine Coastguard Auxiliary 611 Squadron Western Visayas operation's officer Pepito Ruiz, nakuha ang nasabing pawikan pasado alas-6:30 ng umaga.

Tinatayang 40 pulgada ang haba ng pawikan, may lapad na 42 pulgada at may bigat na 59 kilo.

Ayon pa kay Ruiz, sa assessment ng DENR-PENRO-Aklan, hindi nakitaan ng anumang sugat katunayan anya ay masigla pa ang nasabing pawikan.

Dakong alas-2:30 ng hapon ay pinakawalan rin nila ang nasabing pawikan. Nilagyan ito ng tag na may tatak na PH-11851 PAMD DENR.

Ang pawikan ay tinatayang mahigit 60 taong gulang na.

Itinuturing ang pawikan na endangered species.

Nanawagan naman siya sa taumbayan na agad na ireport sa mga kinauukulan kapag may mga nakita o nahuling pawikan.

No comments:

Post a Comment