Showing posts with label Shoplifting. Show all posts
Showing posts with label Shoplifting. Show all posts

Thursday, August 02, 2018

DALAWA ARESTADO SA MAGKAHIWALAY NA KASO NG SHOPLIFTING SA ISANG MALL SA KALIBO

not actual photo; from the web
Dalawa ang arestado sa magkahiwalay na kaso ng shopliting sa isang mall sa F. Quimpo St., Kalibo araw ng Huwebes.

Unang naaresto si Danny Tonel, 40-anyos, residente ng Brgy. Poblacion, Kalibo.

Nakuha sa kanya ang isang plier at isang snip na isinukbit nya sa kanyang likuran na nagkakahalaga lahat ng Php869.50.

Inamin ng suspek sa Energy FM Kalibo ang nagawang pagnanakaw pero hindi na nagbigay ng pahayag kung bakit nagawa niya ito.

Samantala, isang 18-anyos na estudyante rin ang kulong matapos na mangshoplift naman ng mga gamit pampaganda.

Nasabat sa kanya ang dalawang lipstick, isang foundation, brow liner at isang face powder. Umaabot sa Php915.00 ang halaga ng kanyang mga kinuha.

Ayon sa babae, ito umano ang naisip niyang paraan para makabayad sa kanyang inutangan ng pera. | Darwin Tapayan, EFM

Thursday, August 17, 2017

28 ANYOS NA MISIS ARESTADO SA PAGNANAKAW SA DRY GOOD STORE SA KALIBO

Nakakulong ngayon sa Kalibo police station ang isang 28-anyos na misis makaraang magshoplift sa isang dry good store sa Kalibo.

Kinilala ng pulisya ang babae na si Rachel Villanueva y No-o, tubong Sebalew, Banga at nakatira sa brgy. Mataphao, New Washington.

Ayon sa PNP, ang suspek ay nahuling nagsilid ng mga kids garment sa loob ng kanyang bag.

Una rito, napaghalata ng isang promodizer na may kakaibang kilos ang suspek. Kumuha umano ito ng mga kids garments saka pumasok sa fitting room.

Sinundan umano siya ng promodizer ang suspek at nakita ang pagsilid ng mga damit sa kanyang bag.

Pagkatapos ay lumabas lamang umano ang misis sa establisyemento dahilan para habulin ng guard kasama ang miyembro ng auxiliary police at inaresto.

Narekober sa kanyang bag ang isang boy scout tshirt at ilang pares ng medyas. Wala umanong mapakitang ibedensya ang babae sa mga nasabing item kaya siya hinuli.

Posibleng maharap ang misis sa kaukulang kaso.