ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo (c) LGU Malay |
Umaarangkada ngayon sa isla ng Boracay ang “Oplan Hawan” clearing operation laban sa mga illegal vendors, commissioners, at mga illegal structures sa front beach.
Ayon kay PSInsp. Mark Anthony Gesulga, hepe ng Boracay Tourist Assistance Center, ang tuluy-tuloy na operasyon ay para mapanatili ang magandang imahe ng world-known tourist destination sa mga turista.
Paliwanag niya, ang aksyon ay kasunod ng ilang reklamo ng ilang mga turista laban sa mga commissioner na hindi sumisipot sa mga itinakdang oras sa mga binayarang aktibidad.
Sinisira rin umano nila ang mga iligal na istraktura na humaharang sa mga daanan at kinukumpiska ang mga paninda ng mga ambulant vendor para walang maging sagabal sa mga turista.
Pinasiguro naman niya na tuluy-tuloy ang gagawin nilang random operation at profiling sa mga mahuhuling lumalabag para sa mas mabigat na multa kapag muling nahuli.
Ang task force ay binubuo ng pulisya, lokal na pamahalaan ng Malay, army, coastguard, auxialiary police at iba pa.
Ang task force ay binubuo ng pulisya, lokal na pamahalaan ng Malay, army, coastguard, auxialiary police at iba pa.
Nanawagan naman siya sa mga apektado ng koordinasyon at pag-intindi para sa ikabubuti at ikakaganda ng Boracay.
No comments:
Post a Comment