ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Inilunsad ng Philippine National Police ang “Oplan Tokhang Reboot” sa Western Visayas nitong Lunes kasama si PNP chief Ronald “Bato”Dela Rosa.
Nagpahayag naman ng suporta ang gobernador, mga alkalde, iba pang mga opisyal at sectoral leaders ng rehiyon sa pamamagitan ng paglagda sa covenant of support.
Ang programa ay ginawa kasabay ng ika-116 taong pagdiriwang ng Police Service Anniversary sa Camp Martin Delgado, Iloilo City.
Ayon kay PSSupt. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 6, ang konsepto ng ‘Tokhang Reboot’ ay kagaya ng one stop shop na mayroong ‘tokhang’, assessment, rehab at pangangalaga.
Bahagi rin ng proyekto ang paglalaan ng mga drop boxes sa mga police station at sa mga kabarangayan para sa taumbayan na magbigay ng impormasyon sa mga kilala nilang ‘drug personalities’.
Pinasiguro naman niya na ang karapatang pantao at due process of law ay nangingibabaw sa pagpapatupad ng proyekto.
Sa kabilang banda, sa nasabing programa sinabi ni "Bato" na walang ibang layunin ang pulisya kundi ang ibigay sa mga Pilipino ang mapayapang bansa kahit anuman umano ang mangyari.
No comments:
Post a Comment