ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Sinimulan nang ilagay sa ilang barangay sa probinsiya ng Aklan at sa mga municipal police station ang mga drop boxes na paglalagyan ng mga pangalan ng mga newly identified drug personalities.
Ayon kay SPO1 Nida Gregas, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office, ito ay bahagi ng bagong lunsad na “Oplan Tokhang Reboot” laban kontra droga ng Philippine National Police at pamahalaan.
Nilinaw naman ni Gregas na pananatilihin nilang kompedensiyal ang mga impormasyon dito at dadaan rin anya sa tamang proseso at susunod sa karapatang pantao.
Pinasiguro naman niya na dadaan ito sa mabusising proseso kagaya ng koordinasyon sa mga opisyal ng barangay, pag-interview ng pulisya sa umano’y drug personalities, at iba pang proseso.
Kapag napatunayan umano ang itinuturong tao na sangkot sa iligal na droga ay iisasailalim nila ito sa rehabilitasyon depende kung gaano kalala ang kanyang adiksyon.
Sinabi ni Gregas na ang Western Visayas ay isa sa may pinakamababang nagsurender sa buong bansa; sa Aklan halimbawa sa mahigit 574,000 populasyon, 1945 lamang umano rito ang naitalang sumuko sa pulisya.
Nanawagan naman siya sa taumabayan na maging bukas ang isipan at suportahan ang programa ng pamahalaan at pulisya.
No comments:
Post a Comment