Umabot na sa mahigit Php34.5 bilyon ang kinita o tourism receipt ng Boracay mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Ayon sa report ng Tourism Office ng probinsiya, ang Php22.8 bilyon dito ay mula sa foreign tourist at overseas Filipinos samantalang ang Php11.6 bilyon ay mula sa mga domestic tourist.
Nalikom ang kitang ito mula sa 1.2 milyon tourist arrivals sa unang anim na buwan ng taon kung saan mahigit 574 libo rito ang foreigners, mahigit 655 libo ang lokal at 31 libo ang mga balikbayan.
Nabibilang ang tourism receipt sa pamamagitan ng pag-multipy ng karaniwang bilang ng araw na nilalagi ng bisita sa Boracay sa karaniwang nagagasto ng mga ito sa isang araw at sa bilang ng turista.
Ayon sa pamahalaang lokal ng Aklan, karaniwang nagtatagal ng nasa siyam na araw ang mga foreign tourist at balikbayan sa Boracay at karaniwang gumagasta ng Php3,882 bawat araw.
Tinatayang nasa Php37,927.15 ang average per Capita Expenditure ng mga bisita bawat buwan.
Napupunta ang tourism receipt sa mga hotels o resorts, transportasyon, restaurants, shops at iba pang mga establisyemento.
Noong nakaraang taon ay umabot sa Php48.8 bilyon ang tourism receipt sa Boracay.
No comments:
Post a Comment