Wednesday, August 16, 2017

SB SA MGA PUBLIC SCHOOL: HUWAG TAASAN ANG PRESYO NG MGA SCHOOL SUPPLIES, PAGKAIN


Nanawagan ngayon ang Sangguniang Bayan ng Kalibo sa mga pampublikong paaralan sa bayang ito na huwag taasan ang presyo ng mga tinitindang school supplies at mga pagkain.

Sa inihaing resolusyon ni SB member Mark Quimpo, committee chairman on education, hiniling niya na magtakda ng reasonable price para sa mga panindang ito para sa mga mag-aaral.

Ito ay kasunod ng obserbasyon ng lokal na mambabatas na may ilang pampublikong paaralan sa bayang ito ang nagtitinda ng mahal. Paliwanag niya, hindi dapat taasan ang presyo ng mga ito dahil minsan ay kakaunti lamang ang baon ng mga bata.

Nanawagan rin ang opisyal sa mga namamahala sa mga paaralan na huwag nang mag-demand ng mga branded o mga mamahaling school supplies para hindi na maging pabigat sa mga magulang at mga estudyante.

Nakasaad rin sa inaprubahang resolusyon ang kahilingan sa Department of Education na i-monitor ang mga eskwelahan para masigurong sinusunod ito.

No comments:

Post a Comment