Mahigpit ngayon ang pinapatupad na seguridad sa Caticlan Jetty Port para masigurong walang makapasok na anumang poultry products mula sa Luzon.
Ito ang ipinahayag ni jetty port admistrator Niven Maquirang sa panayam ng Energy FM Kalibo kaugnay ng epedimya ng bird flu sa Pampanga.
Sinabi ni Maquirang nagbaba na ng memorandum ang Bureau of Quarantine upang higpitan ang mga pumapasok na poultry products sa probinsiya lalu na sa isla ng Boracay.
Ayon sa administrator, nakikipag-ugnayan naman umano ang mga tauhan ng quaritine sa Caticlan jetty port para inspeksyunin ang mga produktong dumaraan dito.
Sinabi pa ni Maquirang na nitong mga nakalipas na araw ay hidi nakalusot sa port ang kahon-kahong mga balot na lulan ng RoRo mula sa Luzon at ipinabalik ang mga ito.
Dumadaan rin umano sa mabusising inspeksyon ang mga produktong itinatawid sa world-tourist destination na isla ng Boracay.
Nakikipag-ugnayan rin umano siya sa mga coastguard para masigurong ang iba sasakyang pandagat ay dadaan lamang sa Caticlan jetty port para mamonitor.
No comments:
Post a Comment