ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Kalibo PNP FB |
Sa unang tatlong buwan ng taon, umabot na sa mahigit 170
modified o open mufflers ang nakumpiska ng mga kapulisan.
Ayon sa ulat ng Kalibo police station, nakapagtala sila ng
nasa 68 na na nakumpiskang motorsiklong may open muffler ngayong buwan ng Marso.
Sa buwan ng Enero ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng 11
muffler samantalang sa Pebrero ay 91.
Nabatid ayon sa municipal ordinance no. 2016-003, ang mga
mahuhuling gumagamit ng maiingay na muffler ay posibleng mapatawan ng Php2,500
penalidad.
Bago maibalik ang sasakyan ay kinakailangan munang mapalitan
ng may-ari ang muffler nito.
Sa kabilang banda, sa loob rin ng tatlong buwan ay 136
“colorum” na na tricycle na bumibiyahe sa Kalibo ang inimpound ng pulisya.
No comments:
Post a Comment