Friday, March 24, 2017

TUBIG SA BORACAY LIGTAS PARIN PARA PALIGUAN AYON SA ECOTOURISM BODY

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Ligtas parin ang baybayin ng isla ng Boracay base sa water quality assessment ng environmental management bureau.

Ito ang sinabi ni Department of Tourism-VI director Helen Catalbas sa isinagawang pagpupulong ng regional ecotourism committee (REC) kaugnay sa isyu ng naglalabasang mga lumot dito.

Sinabi pa ni Catalbas na isa umanong “blessing” ang mga lumot sa isla ng Boracay at hindi umano hadlang sa industriya ng turismo.

Paliwanang ni DOT 6 at dating REC chair, ang mga lumot ay biyaya dahil nakakapag-ambag ito sa pagiging puti ng buhangin sa Boracay.

Ayon naman kay Arjunn Calvo, Chief, EMB Planning and Programming Division, na wala umano silang nakitang pollutants sa mga baybayin ng isla.

Una nang ikinabahala ang paglabasan ng mga lumot lalu na ng mga turista dahil narin sa mga balitang dahil ito sa polusyon sa tubig.

Nanindigan naman ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) na normal lamang ang paglalabasan ng kadalasan tuwing Pebrero hanggang Mayo tuwing summer season.


No comments:

Post a Comment