Ginawaran ng medal of heroism o medalya ng kadakilaan at
wreath mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang yumaong pulis na nasagasaan ng
van habang nasa kanyang katungkulan.
Personal na natanggap ng pamilya ni PO2 Kynch Parce ang
nasabing nasabing medalya at wreath mula kay police regional 6 director PCSupt.
Jose Gentiles.
Si Parce ay binawian ng buhay habang ginagamot sa isang
pribadong hospital sa Iloilo Marso 16 ng madaling araw.
Magugunitang nasagasaan ng rumaragasang van ang pulis habang
nagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring vehicular accident sa national
highway ng Makato gabi ng Marso 6.
Nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang yumaong
pulis sa Sabado, Marso 25 sa New Washington Catholic Cemetery pagkatapos ng
alas-10:00 na misa sa Most Holy Rosary Parish Church sa New Washington.
No comments:
Post a Comment